Netizens, nanghinayang sa 'free show' ni Bono ng sikat na bandang U2

Netizens, nanghinayang sa 'free show' ni Bono ng sikat na bandang U2

- Naki-jam sa isang busker ang bokalista ng international band na U2

- Namataan ang bandang U2 makailang beses na sa Rockwell Makati at BGC Taguig na nasa bansa mula pa noong Disyembre 9

- May concert ang sikat na banda na ito sa Pilipinas ngayong Disyembre 11

- May kamahalan ang kanilang tiket kaya naman marami ang nanghinayang at sana ay napanood nila ito ng malapitan sa BGC kung saan nagpa-unlak siya ng kanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video kung saan naki-jam ang bokalista ng bandang U2 sa isang busker sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Binahagi ni Tek Cortez, ang kanyang makapanindig balahibong karanasan nang maki-jam sa kanya si Bono ng sikat na Irish superstar rock band na U2.

Kinanta nito ang "With or without you" habang tinutugtugan siya ni Tek.

Tila nakaramdam ng inggit ang ilang fans ng banda dahil sa may kamahalan ang tiket ng anniversary concert tour ng grupo na gaganapin sa SM MOA Arena sa Disyembre 11.

Kung alam lang daw nila, dumayo na sila sa BGC kung saan maari nilang mapanood si Bono nang malapitan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Oh my! Bono... last time you were in Rockwell and now in BGC... performing! whoah"
"Sayang, ang intimate sana niyan o, free show pa!"
"What an experiance sana... pero see you in your concer though"
"Omg!!!!!!!! Goosebumps!!!!! Awesome"
"Waaaaah! sayang! libre pa tapos sobrang lapit... we love U2 the sweetest thing"

Ang U2 ay isa sa sikat na Irish rock band na nabuo noong 1976. Sila ang mga nagpasikat ng mga kantang "With or Without You" "Sweetest thing" "Stuck in a moment" at marami pag iba.

Binubuo ito nina Bono, the Edge, Adam Clayton at Larry Mullen Jr. Isa sa di malilimutang pagtatanghal ng grupo ay ang naganap noong 1985 sa Live Aid kung saan kasama nila ang mga bigating banda at performers tulad ng Queen, Elton John, Madonna, David Bowie at iba pa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel