Gigil-much! Netizen na 'di nakapagpigil, nag-PM sa mga cast ng Primadonnas

Gigil-much! Netizen na 'di nakapagpigil, nag-PM sa mga cast ng Primadonnas

- Tila hindi na nakapagpigil ang isang netizen na padalhan ng message sa social media ang mga cast ng Kapuso series na Primadonnas

- Isa-isa nitong pinadalhan ng personal message ang mga ito kabilang na sila Wendell Ramos, Katrina Halili at Aiko Melendez

- Hindi na raw kasi ito makapagtimpi pa dahil sa mga plano ng karakter na ginagampanan ni Aiko

- Umani naman ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na raw nakapagtimpi pa ang isang netizen na padalhan ng mensahe ang mga cast ng Kapuso series na Primadonnas.

Ayon sa Facebook post ni Juan Carlos Ocampo, "sobrang inis" na raw talaga ito sa takbo ng istorya ng teleserye na ipinapalabas tuwing hapon sa GMA Network.

Isa-isa nitong pinadalhan ng personal message sa social media ang mga cast nito kabilang na sila Wendell Ramos, Katrina Halili, Aiko Melendez at ang mga Primadonnas.

"Hirap na raw kasi siyang kumalma" dahil sa mga panibagong plano ng karakter ni Aiko na si "Kendra" laban sa mga bida.

Mukhang dalang-dala talaga ang netizen sa kwento ng Kapuso drama at halatang masugid na taga-panood nito.

"Sir Jaime wag kang maging sunud-sunuran, gamitin mo utak mo para malaman mong sila ang tunay mong mga anak, inis na ko ha," ani Ocampo kay Wendell sa ipinadala nitong PM sa FB page ng aktor.

"Ano na Kendra? Puro na lang ba pagpapahirap sa magkakapatid? Ano ipapa DNA test sila tapos magbabayad ka ng tao para maiba ang resulta? Ipapakidnap na kita hahahahaha," PM naman nito sa FB page ni Aiko.

"Isa ka pa Lilian e imbis na ikaw tumutulong sa mga anak mo ikaw pa tong wala, tama na kakaiyak walang mangyayari don, gumawa ka ng paraan naiinis nako," sabi naman nito kay Katrina.

Umani naman ang post ni Ocampo ng libo-libong reactions mula sa mga netizens at sa kasalukuyan ay nasa mahigit 10K na ang shares ng kanyang post sa FB.

Maging ang ilang mga netizens na tagasubaybay ng Kapuso drama ay napa-comment na rin sa post ni Ocampo.

"relate gigil na mag-aantay na naman tayo sa youtube bukas na putol."

"Qiqil na din nila ko. Malapit ko ma din sila i chat. HAHAHA."

"panawagan natin sa #kmjs baka pwedi nila sponsoran pang dna ng triplets."

"Support kita dan hahaha kahit kami naiinis na sa mga kontrabida haha Kung pwede nga lang silang murahin sa tv tapos naririnig nila haha."

"Damang dama ko rin yun inis e. Hahahaha."

"naunahan lang ako magpm niyan eh. Naiinis na rin ako. Hahahahahaha."

Ayon sa post ng GMA Network, trending ang Primadonnas at nalamangan na sa ratings ang katapat nito na Kadenang Ginto sa Kapamilya Network.

Ang Primadonnas ay istorya ng magkakapatid na triplets na nawalay sa kanilang ama at lola, na ginagampanan ni Wendell at Chanda Romero.

Lumaki ang tatlo sa piling ng kanilang surrogate mother na ginagampanan ni Katrina.

Habang patuloy naman ang pagharang sa katotohanan ng karakter ni Aiko na si Kendra.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel