Pinay OFW, naging panata na ang pagtulong sa kababayang mahihirap

Pinay OFW, naging panata na ang pagtulong sa kababayang mahihirap

- Ipinamalas ng isang Pinay overseas Filipino workers (OFW) ang kanyang kabaitan sa mga nangangailangan

- Tuwing uuwi sa Pilipinas, lagi raw namimigay ang Pinay OFW ng libreng pagkain sa Aeta community

- Matagal na umano ginagawa ito ng Pinay at naging panata na niya ito

- Natuwa rin naman ang ilang mga netizens sa kabutihan ng Pinay OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pinay na overseas Filipino worker (OFW) ang nagpamalas ng kanyang kabaitan sa mga nangangailangang kababayan.

Nalaman ng KAMI na naging panata na ng Pinay ang pagtulong sa mga mahihirap sa tuwing siya ay uuwi muli sa Pinas.

Ibinahagi ni Archie Hilario sa isang YouTube video ang kwento ng Pinay OFW na mula umano sa Aklan.

Ayon kay Archie, nais ng Pinay na huwag na siyang pangalanan. Dagdag niya pa, matagal na raw ginagawa ng Pinay ang pagtulong sa kapwa.

Sinisigurado ng Pinay na bawat balik niya sa Pinas ay makakatulong siya sa ibang mga tao na mas kailangan nito.

Namimigay daw ng libreng pagkain ang Pinay sa Aeta community upang makatulong sa mga ito. Makikita nga sa video ang saya ng mga tao nang makakuha ng regalo mula sa Pinay.

“Ito, hindi po siya pulitiko, pero makikita niyo ‘yung Aeta community ay binibigyan niya ng mga libreng pagkain,” sabi ni Archie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa kabutihang loob ng Pinay OFW. Narito ang kanilang mga komento sa YouTube channel:

“God bless you mam...and God bless you always kas Archie Hilario sa walng sawang pagtulong sa ating mga kababayan...LODI KA TALAGA....more power at sa station ninyo always num.1”
“GOD BLESS TO BOTH OF YOU SIR”
“Wow god bless you both.”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel