Netizen, windang sa agaw-eksenang pusa habang nanonood ng Miss Universe

Netizen, windang sa agaw-eksenang pusa habang nanonood ng Miss Universe

- Viral sa social media ang pusang agaw eksena sa panonood ng isang netizen ng Miss Universe 2019

- Sa video, kita pa nang dumaan sa harap ng TV ng uploader ang pusa habang may bitbit na daga

- Maging ang mga netizens, napa-react din sa agaw eksenang pusa

- Umabot na rin sa halos 300K ang views nito sa kasalukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Laughtrip talaga ang isang pusa na agaw eksena sa isang viral video.

Sa Facebook video na in-upload ng netizen na si Charlyn Villavicencio huli sa camera ang pagdaan ng pusa na may bitbit na daga!

Nangyari ito habang nanonood si Villavicencio ng Miss Universe 2019.

Sakto pa na ang pambato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines Gazini Ganados ang nasa screen ng TV.

Narito ang buong caption ni Villavicencio:

"Goodluck philippines!

Haixt. ginagawa moe Mengmeng.

Wala na talo na ang Philippines. Mengmeng balik mo ang daga namin."

Umani naman ito ng libo-libong reactions at comments sa social media at halos 300K views sa kasalukuyan.

"Jackpot si mingming."

"pansinin naman daw kasi sya may dala na ngang lunch eh."

"yon oh panalo ang pusa."

"commercial sa gitna ng pagsagot ni gazini. Lol."

"Kaya siguro minalas si Gazini, may dumaang pusa habang nagsasalita siya."

"this cat is the real Miss Universe!"

"Si mingming talaga ang winner dito.. isang malupet na kitty punch jan mga lodi.. hahaha."

"casual na casual lng yung pusa ah..hahaha."

"bwiset ka Mingming. Agaw eksena."

"masamang pangitain un kaya pala talo."

"KAYA PALA NATALO SI GAZINI."

"kaya paa natalo e tinawiran ng pusa."

"ahahahah alay niya sa miss universe e."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bagamat hindi pinalad si Gazini na maiuwi ang korona bilang Miss Universe, patuloy pa rin itong nakakatanggap ng suporta mula sa mga Pilipino.

Samantala, binigyang-linaw naman ng Miss Universe Organization na ang Pilipinas ang "tunay" na nanalo sa Best National Costume special award, na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel