Atletang nagsimula ng 'Ice Bucket Challenge', pumanaw sa edad na 34

Atletang nagsimula ng 'Ice Bucket Challenge', pumanaw sa edad na 34

- Pumanaw na sa edad na 34 ang atletang si Pete Frates na may Lou Gehrig's disease o mas kilala sa tawag na ALS

- Si Frates ang taong nasa likod ng global phenomenon na 'Ice Bucket Challenge'

- Matatandaang naging trending ang challenge na ito sa buong mundo noong 2014

- Ayon sa pamilya ni Frates, hindi ito kailanman nagreklamo tungkol sa kanyang kondisyon, bagkus ay ginamit niya ito para makatulong sa mga taong gaya niya na may ALS

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Pumanaw sa edad na 34 ang dating US college baseball player na si Pete Frates, ang atletang nasa likod na global phenomenon na 'Ice Bucket Challenge'.

"Pete passed away surrounded by his loving family, peacefully at age 34, after a heroic battle with ALS," ayon sa statement ng pamilya ng atleta.

Si Frates ay mayroong kondisyon na Lou Gehrig's disease o ALS (Amyotrophic lateral sclerosis).

Isa ito sa naging inspirasyon ni Frates sa ice bucket challenge na matatandaang nagtrending sa buong mundo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, milyon-milyon ang kumasa sa challenge na ito kung saan kinakailangang buhusan ng isang bucket ng ice cold water ang sinumang kakasa rito bago mag-donate para sa mga medical research.

Ilang sikat at kilalang tao at celebrities ang sumabak sa challenge na ito katulad nila Tom Cruise, Steven Spielberg, Bill Gates at former US president George W. Bush.

Maging sa Pilipinas ay sumikat din ang challenge na ito. Ilan sa mga Pinoy celebrities na kumasa rito ay sila Kris Aquino, Anne Curtis, Luis Manzano, Angel Locsin at ang mag-asawang Dingdong at Marian Dantes.

Nakalikom ng $200 million na pondo para sa research tungkol sa ALS mula sa challenge na ito.

Sabi ng pamilya ni Frates, hindi kailanman ito nagreklamo sa kanyang kondisyon.

Bagkus ay ginamit ito para matulungan ang mga taong katulad nito na lumalaban sa sakit na ALS.

"Remarkably, Pete never complained about his illness. Instead, he saw it as an opportunity to give hope to other patients and their families," ayon sa statement.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel