Larawan ni Gazini Ganados na ka-bonding ang pinakabagong Miss Universe, viral

Larawan ni Gazini Ganados na ka-bonding ang pinakabagong Miss Universe, viral

- Mabilis na nag-viral ang larawan ng pambato ng Pilipinas si Gazini Ganados na kasama ang pinakabagong tinanghal na Miss Universe

- Di raw marunong mag-curl ng eyelashes ang kinatawan ng South Africa kaya tinuruan pa ito ni Gazini

- Marami ang natuwa sa larawan dahil sa maiksing panahon, nagkasama ang dalawa

- Bagaman at di pinalad sa patimpalak, marami pa rin ang proud kay Gazini lalo pa at nasungkit naman nito ang ang Best in National costume

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang larawan nina Gazini Ganados ng Pilipinas at ng 2019 Miss Universe na si Zozibini Tunzi na mula sa South Africa.

Binahagi ng netizen na si Alex Adoŕe ang larawan kung saan tinuturuan di umano ni Gazini si Zozibini na mag-curl ng kanyang lashes.

Ayon pa sa post, di raw marunong masyado na mag-make-up ang bagong hirang na Miss Universe.

False eyelashes lamang daw ang gamit nito bago pa siya turuan ni Gazini kung paano papilantikin ang kanyang pilik mata.

Marami ang natuwa nang makita ang larawan na ito na kuha sa isa sa mga pre-pageant events ng Miss Universe 2019.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, proud pa rin ang ating sambayanan sa ating pambato kahit di na ito nakaabot pa sa top 10.

Maswerte pa rin naman daw tayo dahil sa nasungkit pa rin ni Gazini ang Best in National costume award.

Agaw pansin naman talaga ang Philippine Eagle inspired na kasuotan ni Gazini at talaga namang napa-wow ang marami.

Ginanap ang ika-68 na edisyon ng Miss Universe sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia sa Amerika.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel