89-anyos na lola, patuloy na nagtitinda ng basahan sa tabing-daan

89-anyos na lola, patuloy na nagtitinda ng basahan sa tabing-daan

- Sa kabila ng edad ay patuloy na nagtitinda pa rin ng basahan sa tabi ng daan sa Alabang ang 89-anyos na lola

- Isang netizen ang nagpost ng kalagayan ng matanda na kinilala nitong si lola Ibyang

- Ayon sa netizen, halos limang taon na nilang kilala ang matanda at bumibili rito ng tindang basahan

- Anito, patuloy na kumakayod si lola Ibyang para sa apo nito na umaasa rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Hindi alintana ang init at delikadong pagparoo't parito ng mga sasakyan, patuloy na kumakayod at nagtitinda ng basahan ang 89-anyos na si lola Ibyang sa tabing-daan.

Bumuhos ang malulungkot na reactions sa Facebook post ng netizen na si Kathrina na siyang nagbahagi ng kalagayan ni lola Ibyang sa social media.

Anito, patuloy ang paghahanap-buhay ng matanda para apo nito na patuloy nitong sinusuportahan.

Ayon pa kay Kathrina, halos limang taon na nilang kilala si lola Ibyang at bumibili rito ng paninda nitong basahan.

Hinikayat naman nito ang iba na bumili ng basahan mula sa matanda o kaya ay kahit na batiin lamang ito na panigurado raw na magbibigay na ng saya rito.

Dagdag pa ng netizen, P100 ang halaga bawat pack ng paninda ng matandang babae at P20 lamang nag maiuuwi ng matanda mula rito.

Narito ang kabuuan ng post ni Kathrina:

"Christmas is the season of giving.

Meet Lola Ibyang. She’s already 89 years old but still working hard for her grandchildren. We’ve known her since 2015 and she still remembers us.

Please, if you happen to pass by her spot along Daang Hari SB just a few meters past the T-intersection of Commerce Ave., from 2pm to 5pm, stop and buy a pack of basahan from her for 100 pesos.

20 pesos lang her profit per pack, the rest goes to her supplier. You can also just say hi, it will surely bring a smile on her face. ❤️

Please share lola’s story. Let’s make this viral!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng , isa ring 82-anyos na matandang babae ang patuloy na nagtitinda ng kung anu-ano sa daan para sa apo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel