Sana all! Misis na nag-wish ng IPhone 11 Pro Max sa FB, sinurpresa ni mister

Sana all! Misis na nag-wish ng IPhone 11 Pro Max sa FB, sinurpresa ni mister

- Napa-sana all talaga ang maraming netizens sa isang viral post ng isang ginang

- Matapos daw mag-post ni misis sa social media na wish niyang magkaroon ng IPhone 11 Pro Max ay sinurpresa ito ni mister

- Bagamat inakala ni misis na biro lamang ito, legit ang promise ng kanyang asawa

- Bumuhos naman ang samu't saring reaksyon sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napa-sana all talaga ang maraming netizens sa isang viral post ng isang ginang sa social media na natupad ang wish, "agad-agad"!

Sa Facebook post ng ginang na si Christine Luarca, pabiro itong nagpost ng: "IPhone 11 Pro Max lang po."

Ilang sandali lamang ay nag-comment ang mister nito na si Alfhie Vilela at tinanong kung anong kulay at ilang GB ang gusto nito.

Noong una ay tila hindi pa agad naniwala si Christine, ngunit nakumbinsi naman ito nang bigyan pa ito ng time limit ni Alfhie.

Biro pa ni misis, kapag joke lamang ang sinabi ni mister ay "wala na itong anak".

"Pag ito joke time Alfhie wala ka ng anak sinasabi ko sayo."

May nakakatuwa namang sagot dito si mister.

"Pag ito di joke time aanakan ulit kita!"

Sa huli ay natanggap din ni Christine ang hiniling lamang niya sa kayang FB status.

Umani naman ito ng libo-libong reactions mula sa mga netizens at sa kasalukuyan ay nasa 12,000 shares na rin!

Marami namang misis ang napa-tag sa kanilang mga mister.

Ang misis na si Ali Cruz, tinag ang kanyang asawang si Albert Cruz ng: "baka naman pagalis mo".

Sabi naman ni Ann Drei Yah: "sana all ganyan Mar Lo".

Para naman sa misis na si Mary Jane Carisosa-Villan: "Kahit wag na celpone cash nalang! Dami kung gusto bilhin alam mona.. HAHAHAA Raymund Villan".

"Okay lang ako magkaanak basta may pa iphone 11 pro max," ayon naman kay Wyn Magtalas na tinag pa ang minamahal na si Rj Rubio.

Ani naman ng netizen na si Geraldine Espiritu Zape: "Alam mo na requirement love? Diba gusto mo na? Hahahahhaa AJeyy Acasio."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel