Saksi at ilang ebidensiya sa pangingidnap sa 1 Chinese woman, lumutang

Saksi at ilang ebidensiya sa pangingidnap sa 1 Chinese woman, lumutang

- Mabilis na kumalat sa social media ang insidente ng pangingidnap sa isang babae sa Makati

- Ayon sa mga ulat, parehong mga Chinese national ang biktima at ang dalawang lalaking kumidnap dito

- Isang saksi naman ang nagsabing inakala raw nila na away lang ng magkasintahan ang nangyari

- Natagpuan naman sa lugar ang ilang Chinese passports at deeds of sale ng mga sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos kumalat sa social media ang isang video ng sapilitang pagsasakay sa isang babae sa loob ng isang sasakyan, kinumpirma naman ng pulisya na insidente nga ito ng pangingidnap, na una nang naiulat ng KAMI.

Nangyari ang insidente sa Paseo de Roxas corner Perea St. in Legazpi Village, Makati City, bandang 9 p.m.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, parehong Chinese national ang biktima at ang dalawang lalaki na kumuha rito.

Pero ayon kay Police Col. Rogelio Simon, head ng Makati City police, posibleng kilala ng biktima ang mga lalaking kumidnap sa kanya.

Anito, lumapit pa umano ang babae sa sasakyan ng mga ito bago ang sapilitang pagsasakay sa kanya.

Isang witness naman ang nakapanayam ng ABS-CBN News at sinabing inakala raw niya na away ng magkasintahan lamang ang nangyari noong una.

"Akala ko no'ng una, away mag-jowa, 'yon pala iba," anito.

Giit nito, may mga nakasaksi na nais sanang tumulong ngunit natakot na posibleng may dalang sandata ang mga lalaki.

"Nakakatakot din po kasi baka may dala 'yong kumidnap kaya wala nang nakialam," sabi pa nito.

Samantala, na-trace na ng mga pulis ang plate number ng L300 van na kulay gray na ginamit ng mga salarin.

Nakuha rin ng mga pulis ang ilang Chinese passports at deeds of sale ng mga sasakyan sa pinangyarihan ng krimen.

Isa sa mga tinitignan ng mga pulis na posibleng dahilan ng insidente ay ang POGO (Philippine offshore gaming operations).

"Ang tinitingnan namin usually na cases ay mga POGO [Philippine offshore gaming operations] o online companies na Chinese na 'yong kanilang employees mismo nakakagawa ng kasalanan," sabi ni Simon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel