Makati City Police, kinumpirma ang naganap na kidnapping sa kanilang lugar

Makati City Police, kinumpirma ang naganap na kidnapping sa kanilang lugar

- Kinumpirma ng Makati City Police ang naganap na kidnapping di umano sa Paseo de Roxas

- Naganap ang insidente bago ang hatinggabi ng Disyembre 10 sa nasabing lugar

- May ilang nakakita sa insidente at nakunan ng video ang nangyari

- Ayon sa pulisya, may nakuha silang mga papeles at ID sa lugar na malaki ang magiging tulong sa pagresolba ng kaso

- Patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma na ni Makati police investigations chief Major Gideon Ines na totoo ang nakunan ng video na pagkuha sa isang babae sa Pase De Roxas, Makati City kagabi, Disyembre 9.

Ayon sa Rappler, nabigyang aksyon ang insidente matapos na mabilis kumalat ang ilang post at video patungkol sa insidente.

Dagpdag pa ng pulisya, nakakuha umano sila ng ilang mga papeles at ID mula sa pinangyarihan ng sapilitang pagdukot sa babae.

Malaki raw ang maitutulong nito upang maresolba agad ang pangyayari at makilala ang babaeng nakuha.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

Samantala, narito ang isa sa mga video ng aktwal na pagdukot sa babae. Makikinig kung paano ito humihingi ng tulong at nagmamakaawang makatakas ngunit humarurot na ng takbo ang van.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Totoo man o hindi ang pangyayari, magiging babala ito sa publiko kahit minsan nang napabulaanan ang mga kidnapping na nagaganap lalo na sa Metro Manila.

Laging maging alerto saan man magpunta at hangga't maaari ay huwag nang maglakad mag-isa lalo na kung gabi na.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel