Manny Pacqauio, magtatapos na ng kolehiyo; balak mag-masteral sa Harvard University

Manny Pacqauio, magtatapos na ng kolehiyo; balak mag-masteral sa Harvard University

- Nakatakdang magtapos ng kolehiyo ang Pambansang Kamao na si Senator Manny Paquiao sa Disyembre 11

- Kinuwento niyang one-on-one session ang kanyang istilo ng pag-aaral upang masiguro na natututukan siya ng mga propesor

- Matagal-tagal din daw ang panahong iginugol niya sa pag-aaral dahil paunti-unti lamang ang pagkuha niya ng subjects sa curriculum

- Patuloy pa rin daw siyang mag-aaral at binabalak niyang kumuha ng Masteral degree sa Harvard University'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Boxing Senator Manny Pacquiao sa mga nasa listahan ng magsisipagtapos sa kursong Bachelor of Arts degree in Political Science sa University of Makati sa Disyembre 11.

Sa panayam ng UNTV news sa Boxing Legend, di raw dito hihinto ang kanyang pag-aaral.

Kahit kilala rin si Pacquiao bilang isang bilyonaryo, pinapahalagahan pa rin niya ang edukasyon.

2008 pa nang siya ay mag-enrol sa naturang unibersidad at aminado siyang natagalan siya sa pagtatapos ng kanyang kurso sa dami rin ng kanyang pinagkakaabalahan.

Kwento pa ng senador, one-on-one ang istilo ng kayang pag-aaral upang masiguro na natututukan siya ng mga propesor at natututukan din niya ang kanyang edukasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pangarap talaga ni Pacman na maging degree holder kaya naman sa edad niyang 41, proud siyang makakapagtapos na ng kolehiyo.

Samantala, sa panayam sa kanya ng dwIZ nasabi nitong balak din niyang kumuha ng Masteral degree sa Harvard University sa Estados Unidos.

“Ano man ang edad nila, hindi dapat silang huminto na tuklasin ang mga kaalaman na dapat nating malaman,” pahayag ng senador.

Dahil dito, nais ni Senator Pacman na magsilbing inspirasyon sa mga tulad niyang minsan nang naisantabi ang pag-aaral.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel