Napraning si kuya! Lalaki, napatago nang hintuan ng puting van

Napraning si kuya! Lalaki, napatago nang hintuan ng puting van

- Labis na ikinagulat ng isang lalaki nang bigla na lamang huminto at bumukas ang pinto ng isang puting van sa kanyang harapan

- Ang pangyayari nakuhanan pa ng CCTV

- Hindi naman nito napigil ang pagtawa nang marealize na nagbaba lamang ng pasahero ang van

- Matatandaang kumalat sa social media ang balita tungkol sa pangunguha umano ng puting van

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Mukhang napraning ang isang lalaki nang bigla na lamang huminto at bumukas ang pinto ng isang puting van sa kanyang harapan.

Sa kuha ng CCTV na in-upload ng netizen na si NAtz ALjen, sinabi nitong kinabahan daw talaga ito at inakalang kukunin siya ng mga tao sa van.

Ngunit natawa na lamang ito nang marealize na nagbaba lamang ng pasahero ang puting van.

Maging ang mga taong nakakita sa insidente ay natawa na lang sa ikinilos ni Aljen.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa netizens. Ayon pa nga sa ina, nakaka-relate raw talaga sila sa lalaki!

"nakakapraning na yang puting van na yan. Hahaha."
"LT ka talga beshy buseet para nag U turn lang si koooyaaa."
"Kakatakot nman Kasi tlga."
"laughtrip s knya ung isang lalake eh,hahaha."
"naalala ko yung nakita kong nagtakbuhan hahahhaha."
"Ganito din siguro ako pag may puting van na tumigil sa tapat ko, papasok na kahit san."
"Ilang beses ko pinanuod tawang tawa talaga ko ate."
"nakakatawa yung nagbukas nung pinto sa side eh sa likod naman bumaba.. yun ba yung joke? hahah."
"yan yun best part dyan. after magtatawanan nalang kayo."
"haha nawala antok ko."
"Ganito ako nung nakaraan hahaha."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang gumawa ng ingay sa bansa ang balita ng ilang insidente umano ng pangunguha ng mga kalalakihang sakay ng puting van.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel