Humabol sila: Timor-Leste, nakatatlong medalya na

Humabol sila: Timor-Leste, nakatatlong medalya na

- Nakatatlong medalya na ang bansang Timor-Leste na suportado rin ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games

- Sigurado na sa bronze medal si Imbrolia De Araujo Dos Reis Amorin para sa Taekwondo

- Bronze din ang natanggap ng parehong boksingero ng kanilang bansa

- Matagal-tagal din bago nagkamit ng medalya ang Timor-Leste na suportado ng mga Pinoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humahabol sa pagkakaroon ng medalya mula sa 30th Southeast Asian Games ang bansang Timor-Leste.

Bago magtapos ang naturang palaro, nagkaroon ng tatlong bronze medal ang bansang suportado rin ng Pilipinas.

Ayon sa Inquirer, emosyonal na tinanggap ni Imbrolia De Araujo Reis Amorin ang bronze medal na nakuha niya sa Taekwondo.

Ginanap ang kanyang laban noong Linggo, Disyembre 8 sa Ninoy Aquino Stadium.

Sa panayam kay Reis Amorin, masaya siya dahil ito ang unang medalya ng kanilang bansa mula sa SEA Games ngayong taon. Nagpapasalamat din siya sa Pilipinas na nagpakita ng pagmamalasakit at suporta sa Timor-Leste.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, dalawang boksingero rin mula sa naturang bansa ang nakakuha ng bronze.

Bukod kay Reis Amorin, nagkamit din ng medalya sina Jose Barreto Quintas Da Silva para sa flyweight division habang si Frederico Soares Sarmento para sa light heavyweight category.

Nakamit nila ang pwestong ito noong Disyembre 8 na ginanap naman sa PICC Forum Hall sa Pasay City.

Maraming Pinoy din ang nagdiwang sa pagkakaroon ng medalya ng Timor-Leste na kanilang sinusuportahan at pinalalakas ang loob upang magkaroon ng kumpiyansa na makapag-uwi ng medalya para sa kanilang bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel