Indonesian President, nagpasalamat sa Pinoy surfer na sumagip sa kanilang pambato

Indonesian President, nagpasalamat sa Pinoy surfer na sumagip sa kanilang pambato

- Nagpaabot ng pasasalamat ang Presidente ng Indonesia sa Pinoy surfer na si Roger Casugay

- Ito ay matapos sagipin ng ating pambato ang kanyang katunggaling nahulog sa board

- Ginawa ito ni Roger kahit gintong medalya na sana ang kanyang masusungkit sa match na iyon

- Nakakuha pa rin naman ng ginto si Roger nang umabante ito sa finals kung saan kapwa Pinoy ang kanyang nakatunggali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taos-pusong nagpasalamat ang Presidente ng Indonesia na si Joko Widodo dahil sa kabayanihang pinakita ng Pinoy Surfer na si Roger Casugay.

Matatandaang sinagip ni Roger ang katunggaling Indonesian na si Arit Nurhidayat at isinantabi nito ang sana'y pagkapanalo ng ginto noong Disyembre 6.

Sa Twitter, binigyang puri ni Pangulong Widodo ang pagtulong na ginawa ni Roger sa kanilang pambato.

"Winning the competition and upholding sportsmanship is important, but humanity is above all. My appreciation to Roger Casugay, a Filipino surfer who gave up the golden opportunity to help Indonesian athletes who fell in the race. Greetings from Indonesia" ang pagsasalin sa wikang Ingles ng tweet ni President Widodo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kahit tinaguriang "hero of the 30th SEA Games," nilinaw ni Roger na hindi naman niya sinagip si Arit.

Pinakalma lamang daw niya ito dahil sa magaling namang lumangoy ang katunggali.

Sa isinagawang rematch ng dalawa, nagwagi Roger at umabante ito sa finals kung saan nakalaban niya ang Pinoy na si Rogelio Esquivel.

Dikit man ang laban ng dalawa, nagwagi pa rin ng gintong medalya si Casugay.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel