Babaeng nambato ng humidifier, nagbigay na ng pahayag tungkol sa insidente

Babaeng nambato ng humidifier, nagbigay na ng pahayag tungkol sa insidente

- Nagbigay na ng pahayag ang babaeng nagviral matapos mambato ng humidifier at magwala sa isang mall sa Cebu

- Matatandaang inaresto ang babae sa viral video matapos itong ireklamo ng sales assistant na binato nito

- Haharap ito sa kasong physical injury at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw

- Nilinaw na rin ng sales assistant kung saan umano nag-ugat ang galit ng babae sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Nagbigay na ng pahayag ang ginang na nagviral matapos mambato ng humidifier at manigaw ng isang sales assistant sa loob ng isang mall sa Cebu.

Ayon sa babae na kinilalang si Medelina Berja Yamazaki, 33-anyos at isang Cebuana na kasal sa isang Japanese, ipinahiya umano siya ng sales assistant na si Jennifer Fabillar, sa harap ng kanyang anak.

Ito umano ang naging ugat ng kanyang galit na nakuhanan na ng video, base sa ulat ng CDN.

Sabi ni Police Major Dindo Juanito Alaras, chief ng Mabolo police station, ayon naman kay Fabillar, pinaalalahanan lamang nito ang ginang na huwag i-testing ang humidifier ng matagal.

Ani Fabillar, medyo tumagal na raw kasi ang pag-testing ni Yamazaki sa humidifier at posible raw itong masira.

Base sa testimonya ni Fabillar, ipinaliwanag lang daw nito kay Yamazaki na kapag nasira ang humidifier ay kailangan niya itong bayaran.

Maaaring hindi ito nagustuhan ng ginang kaya naman naging sanhi ito para sigawan nito si Fabillar at dalawang beses na batuhin.

Pero giit daw ng ginang, napahiya ito sa harap ng kanyang anak.

Hinala pa ng mga pulis, posible raw na wala sa tamang pag-iisip ang babae nang mangyari ang insidente.

Ganunpaman, hindi nila ito makumpirma sa ngayon dahil tumanggi ang ginang na sumailalim sa medical examination bago ito ikulong.

Ngayong Lunes nakatakdang sampahan ng kasong physical injury si Yamazaki, na una nang naiulat ng .

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone