Lalaki, minura at sinigawan ang na-late na Angkas rider

Lalaki, minura at sinigawan ang na-late na Angkas rider

- Isa muling insidente ang mabilis na nagviral sa social media sangkot ang isang lalaking galit na galit na nanigaw ng isang Angkas rider

- Bukod dito, maririnig din nang murahin nito ang rider sa harap ng maraming tao

- Ayon sa uploader, na-late raw ang Angkas rider dahil traffic kaya nagalit ang lalaki

- Maririnig din ang lalaki nang makipagtalo ito sa rider tungkol sa traffic sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa muling insidente sa kalsada ang mabilis na nagviral sa social media sangkot ang isang lalaking galit na galit sa isang Angkas rider.

Sa video, maririnig pa ang paninigaw ng lalaki at pagmumura nito sa rider.

Ayon sa uploader na si Naler Errog Ojnaran, nagalit ang lalaki dahil na-late ng dating ang rider.

"Grabe ka sir. Na late lang angkas rider ganyan kana.Pinagmumura mo pa. Pasalamat ka nakapag timpi pa si kuyang angkas biker kung di pa may kalalagyan ka," ayon sa Facebook caption ng netizen.

Kita rin sa video nang umakma ng suntok ang lalaking gigil na gigil sa rider.

"Saan ang traffic dito? Sasabihin mong traffic! Gagawin mo pa kong tanga!" maririnig pang sigaw ng lalaki sa video.

Sinubukan pa ng rider na kausapin ng maayos ang lalaki ngunit hindi na ito nagpaawat pa sa kanyang galit.

Hindi naman gumanti ang rider at umalis na lamang.

Maraming netizens ang hindi natuwa sa video na ito at umani ng mga negatibong reaksyon sa social media.

"Ay ang dami nang ganyan tao ngayon ? Ay naku parang sa kanila n ang pinas."
"Pag ganyan iwan nla mag skay sya s iba."
"May pinagdadaanan iyan at naibunton sa rider."
"Cool lang...magpapasko pa naman."
"Puro na highblood mga tao."
"Grabe na mga tao ngayon. Masyado nang mainitin."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel