Babaeng nambato ng humidifier sa 1 mall sa Cebu, kakasuhan na

Babaeng nambato ng humidifier sa 1 mall sa Cebu, kakasuhan na

- Haharap sa kasong physical injury ang babaeng nambato ng humidifier at nanigaw ng isang sales assistant

- Kahapon, mabilis na nagviral ang video ng babae na nagwawala sa isang mall sa Cebu

- Marami ang naalarma at hindi natuwa sa ginawa nito lalo pa nang ilang beses nitong binato ng humidifier ang kaalitang sales assistant

- Matatandaang inaresto ang babae na kinilala na rin ng mga awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Matapos ang mabilis na pagkalat ng video ng babaeng customer na nambato ng humidifier at nanigaw ng isang sales assistant, haharap na sa kasong physical injury ang ginang.

Ayon sa report ng The Freeman kinilala itong si Medelina Berja Yamazaki, 33-anyos at isang Cebuana na kasal sa isang Japanese.

Kahapon, kumalat at mabilis na nagviral ang video kung saan makikita ang pagwawala ni Yamazaki, na una nang naibalita ng .

Ilang beses din nitong binato ang sales assistant ng isang maliit na stall sa isang mall sa Cebu na nakilala naman na si Jennifer Fabillar, 33 at mula sa Cebu City.

Sabi pa sa ulat, nag-ugat umano ang gulo matapos magtalo ang dalawa kung paano magagamit o gagamitin ang humidifier.

Samantala, ayon naman sa raport ng CDN, naaresto si Yamazaki sa kanyang tirahan sa uptown Cebu City bandang 5 a.m. noong Linggo, December 8, sabi ni Police Major Dindo Juanito Alaras.

Ito ay matapos magsampa ng kaso ni Fabillar. Ipinakita pa nito ang natamong sugat sa ilalim ng kanyang kanang mata mula sa insidente.

Ngunit ang nagviral na video ng pamamato sa kanya ang mas nakatulong na ebidensiya para masampahan ng kaso si Yamazaki.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek na inaasahan nang pormal na masasampahan ng kaso ngayong Lunes.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang naiulat ng nang arestuhin ang ginang matapos kumalat ang video sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel