May forever: Mga Pinay OFW, sa Faroe Islands natagpuan ang mga asawa nila

May forever: Mga Pinay OFW, sa Faroe Islands natagpuan ang mga asawa nila

- Isang malayong isla sa Europe ang dinadayo na ng mga Pinay ngayon

- Maraming mga Pinay OFW ang pinalad at natagpuan ang kanilang forever sa Faroe Islands

- Tinatayang nasa 200 na ang mga Pinay nakapangasawa ng Faroese

- Subalit, may mga iba pa rin na hindi pinalad mahanap ang forever nila o hindi nauwi sa happy ending ang kwento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming mga Pinay ang nakatagpo ng kanilang forever sa Faroe Islands! Ang Faroes Island ay isa sa mga malalayong isla sa Europe.

Nalaman ng KAMI na ang Faroe Islands ay katulad ng Pilipinas na isang kapuluan. Ito ay binubuo ng 779 na maliliit na mga isla.

Ayon sa Facebook video ng Kapuso Mo, Jessica Soho, nasa 200 ang bilang ng mga babae na nakapangasawa ng Faroese.

Kwento ni Mary Joy Thomsen, 2002 siya dumating sa Pinas. Nakilala niya ang kanyang napangasawang Faroese dahil sa kanyang pinsan na nasa Faroe Islands na noon pa. Nakita umano ng lalaki na si Dan Kruse Thomsen ang kanyang picture sa bahay ng pinsan niya noong 2002 at nabighani na ito.

Para naman kay Genevieve Quioñes, ang kanyang high school classmate na nasa Faroe Islands na ang naghikayat sa kanyang pumunta doon. May anak na siya at laki ang pasasalamat niya na ang kanyang boyfriend na si Oystin ay tanggap ang mga anak niya.

“I felt that right away there was something. That’s what we called love,” sabi ni Oystin.

“My message to her is I love her with all my heart. And she has two children, and I will take them like my children,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Manilyn Juul naman ay 9 na taon nang kasal sa kanyang asawang si Janus Richard Juul.

Samantala, si Darlene Joy naman ay isang taon nang kasal sa Faroese na si Jacob Jacobsen. Giit ni Darlene Joy, “spoiled wife” siya kay Jacob dahil lagi siyang pinaghahandaan nito ng breakfast in bed.

Subalit, kahit na marami ang pinalad na makatagpo ng kanilang forever, may ilan pa rin na tila hindi nahanap ito o hindi nagkaroon ng happy ending.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel