Pinay gold medalist na si Agatha Wong, sinupalpal ang mga bashers

Pinay gold medalist na si Agatha Wong, sinupalpal ang mga bashers

- Sinagot ni Agatha Wong ang mga bashers na bumabatikos sa kanyang panalo sa SEA Games 2019

- Matatandaang nakapagbigay ng mga gintong medalya ang atleta mula sa Wushu

- Ngunit mayroong mga nagsasabi na nanalo lamang ito dahil ito ay may dugong Chinese

- Pero ipinagtanggol ni Wong ang sarili at iginiit na siya ay isang Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Deretsong sinagot ng Wushu gold medalist na si Agatha Wong ang mga netizens na nagsabi na siya ay nanalo lamang dahil siya ay may dugong Chinese.

Iginiit ni Wong na mas lamang ang kanyang pagiging Pilipino sa kanyang naging pahayag base sa ulat ng News5.

Mariin din nitong ipinahayag ang pagmamahal sa bansang Pilipinas na pinatunayan naman nito sa kanyang paglaban sa SEA Games.

"My last name's Chinese [and] yet I am a Filipina more than anything... Mahal ko ang bayan ko... So don't tell me I'm Chinese kaya ako nanalo.

"Nanalo ako kasi Pilipino ako at lalaban ako," ani Wong.

Umani naman ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga Pinoy netizens. Marami ang nagpahayag ng suporta para kay Wong na isa sa mga nagbigay karangalan sa bayan.

"nanalo na nga para sa bayan, binabatikos pa. mga utak baliw. We are proud of you Agatha Wong."
"She sacrificed, took risk and work hard during her training days. She compete in SEA Games under the Philippine Flag. She Won a Gold Medal and made us a proud Filipinos. Thank you and Congratulations for being a Patriotic to our Country."
"I can't believe some people would make an issue of lineage instead of congratullating this hard working athlete who won for our native country. Congratulations Agatha and the nation is very proud of you."
"Never mind the them Agatha. The important thing is that you won the gold. We are proud of you."
"She carried our flag and she's proud to be Filipino. That's all that matters."
"Wow naman ang mga Pinoy na utak talangka umarangkada na naman. Don’t mind them and keep fighting for the country. Yan ang tunay na Pilipino lumalaban para sa bansa."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel