Jolo Revilla, ikakasal na sa kanyang fiancée na si Angelica Alita ngayong buwan

Jolo Revilla, ikakasal na sa kanyang fiancée na si Angelica Alita ngayong buwan

- Ibinahagi ni Jolo Revilla ang save-the-date video para sa kasal nila ng kanyang soon-to-be wife na si Angelica Alita

- Nakatakdang ikasal ang magkasintahan ngayong buwan sa Newport Beach sa Southern California.

- Matatandaang pormal na ibinahagi ni Jolo ang tungkol sa kanilang kasal noong August 2019

- Ayon sa mga ulat, kasalukuyang nasa America ang dalawa para maasikaso ang kanilang pag-iisang dibdib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Jolo Revilla ang isang save-the-date video nila ng kanyang fiancée na si Angelica Alita sa kanyang his Instagram Account.

Nakatakda na ang kanilang pag-iisang dibdib sa darating na December 15.

"Binigyan mo ako ng pag-asa na hindi pala imposibleng magmahal ulit," ani Jolo sa nasabing video.

Naging tugon naman ni Angelica, "Salamat mahal ko, dahil hinigitan mo ang pagmamahal na ninanais ng puso ko."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang lumabas ang balita tungkol sa kanilang engagement nang ibahagi ni Jolo sa Instagram ang picture nilang dalawa na nag-sha-share sa isang ice cream. Makikita sa nasabing picture na may suot na singsing ang beauty queen.

Matatandaang pormal na inanunsiyo ni Jolo noong Agosto ng kasalukuyang taon ang tungkol sa kasal nila ng kanyang nobya. Ayon pa sa ulat ng Inquirer.net, kasalukuyang nasa America ang dalawa para maasikaso ang nalalapit na kasal.

Ikakasal sila sa Newport Beach sa Southern California.

Si Jolo Revilla ay anak ni dating Senator Bong Revilla at Bacoor, Cavite Mayor Lani Mercado. May isang anak si Jolo sa kanyang dating kasintahang si Grace Adriano na anak naman ng aktres na si Rosanna Roces.

Una nang naiulat ang pagbabahagi ng ilang detalye ni Lani Mercado tungkol sa kasalang Jolo-Angelica.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel