Pope Francis, mamumuno sa 'Simbang Gabi' ng Vatican sa Disyembre 15

Pope Francis, mamumuno sa 'Simbang Gabi' ng Vatican sa Disyembre 15

- Mismong si Pope Francis ang mangunguna sa Misa De Gallo o Simbang Gabi sa Vatican

- Gaganapin ito sa St. Peter’s Basilica sa Disyembre 15, 4:30 ng hapon doon habang 10:30 na ng gabi naman sa Pilipinas

- Bubuksan ang naturang Basilica para sa 7,500 na mga nais sumimba

- Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pamumunuan ang "Simbang Gabi" na ginagawa sa Pilipinas bilang hudyat ng nalalapit na kapaskuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Espesyal ang araw na Disyembre 15 para sa mga katolikong Pilipino na malapit sa Vatican dahil sa pamumunuan ni Pope Francis ang kauna-unahang MisavDe Gallo o Simbang Gabi doon.

Ayon sa CNN, naibahagi ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines o CBCP ang magandang balita ito nitong Biyernes, Disyembre 6.

Nasa 150 na pari ang kasama ng Santo Papa sa espesyal na misa na gaganapin sa Disyembre 15, 4:30 ng hapon doon habang 10:30 naman ng gabi sa ating bansa.

Pope Francis, mamumuno sa 'Simbang Gabi' ng Vatican sa Disyembre 15

source: Instagram
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gaganapin ito sa St. Peter’s Basilica kung saan inatayang 7,500 na mga katoliko ang maaring magsimba.

Maraming mga Pinoy ang natuwa sa balitang ito at humihirit na sana'y mapanood din ito sa Pilipinas.

Ang Misa De Gallo o Simbang Gabi ay isang tradisyon ng mga Pilipino kung saan sila ay bumubuo ng siyam na gabi o di kaya'y madaling araw bilang hudyat ng nalalapit nang kapaskuhan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel