Walang kawala: Estudyanteng absent, pinagreport pa rin ng guro gamit ang cellphone

Walang kawala: Estudyanteng absent, pinagreport pa rin ng guro gamit ang cellphone

- Di pinalampas ng isang guro ang estudyante na umabsent at dapat na reporter nang araw na iyon

- Naisipan kasi ng guro na tawagan ang estudyante at doon isinagawa ang report

- Sa tulong ng isa pang estudyante, tinapatan ng mikropono ang cellphone upang mas marinig ito ng klase

- Humanga pa ang estudyante sa ginawa na ito ng guro ngunit di rin naman daw niya hinihikayat ang iba na lumiban sa klase

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawan ng isang guro na nagawang tawagan ang kanyang estudyanteng lumiban sa klase na dapat ay reporter nang araw na iyon.

Ayon sa mismong estudyante na si i Aries Abogado, may trabaho kasi siya noon kaya naman di niya naiwasang lumiban sa klase.

Nagkataon namang siya pala ang naka-schedule na mag-report sa araw na iyon at di siya pinalampas ng kanyang guro.

Gamit ang cellphone, nagreport si Aries habang kausap sa kabilang linya ang guro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinapatan ng isa pang estudyante ang cellphone upang mas maging klaro ang "report" Aries.

Humanga ang estudyante sa diskarte na ito ng guro ngunit di niya hinihimok ang mga kapwa niya mag-aaral na lumiban sa klase at ganito na lamang ang gawin.

Umabot na sa 28,000 ang positibong reaksyon ng post at naibahagi na ito nang nasa 24,000 na beses.

Sadyang di biro ang maging isang working student ngunit tulad ni Aries, laking pasalamat niyang mayroon siyang guro na madiskarte at halos hindi siya "absent" sa klase.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel