"Frozen" parody, nauwi sa totoong wedding proposal

"Frozen" parody, nauwi sa totoong wedding proposal

- Viral ngayon ang naiibang marriage proposal na kinuha ang konsepto mila sa pelikulang Frozen

- Di makapaniwala ang babae na nagkatotoo ang bahagi ng kantang "Love is an open door" kahit pa mayroon nang sumambulat sa kanyang wedding ring mula sa mga kasabwat ng kanyang fiance'

- Marami ang natuwa sa parody ng couple na ito na di mo raw aakalaing isa pa lang marriage proposal

- Kitang-kita rin mismo sa mga reaksyon ng magkasintahan na talagang sila ay nag-iibigan at handa na talaga silang harapin ang kinabukasan nang magkasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakakilig, nakakaiyak at nakakatuwa ang kakaibang wedding proposal na naisipan ng netizen na si Paollo Sebastian para sa kanyang fiancee na ngayon na si Cristalyn Aguilar Sarreal.

Sa video na binahagi ni Paollo sa kanyang Facebook, aakalaing isa lamang itong parody ng kanyang "Love is an open door" ng sikat na Disney movie na 'Frozen'

Ito ay ang bahagi na nagkakilala sina 'Anna" at si 'Prince Hans' at kalaunan ay inaya na agad ng prinsipe si Anna na magpakasal sa kanya.

Maganda ang pagkaka-lip sync nina Paollo at Cristalyn na akmang-akma sa kanilang facial expressions.

Todo bigay sa pagkanta ang soon-to-be bride na walang kaalam-alam sa mga susunod na mangyayari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagtapos ang kanta sa linyang "Will you marry me?", at laking gulat ni Cristalyn nang bigla na lamang mayroong nilabas na singsing ang mga kasabwat ni Paollo.

Tila di makapaniwala ang nobya na totoong marriage proposal na ang nagaganap.

At nang maisuot na nga ang singsing sa kanya, napapalirit na lamang ito sa sibrang kaligayahan.

Marami ng netizens ang naaliw sa video na ito at umabot pa talaga ng 66,000 na positibong reaksyon ang post na ito.

Umabot na rin sa 899,000 ang views ng nakakakilig na video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel