Sa wakas! Timor-Leste, nagkamit na ng unang medalya mula sa 30th SEA Games

Sa wakas! Timor-Leste, nagkamit na ng unang medalya mula sa 30th SEA Games

- Sa wakas ay nakasungkit na rin ng medalya ang Timor-Leste mula sa men's flyweight boxing ng SEA Games

- Nakilala ang boksingerong si Jose Baretto Quintas da Silva na nakakuha ng Bronze medal

- Matatandaang nag-viral ang mga post ng mga Pinoy na todo ang suporta sa Timor Leste dahil sa may katagalan bago sila nagkamit ng medalya mula sa 30th SEA Games na ginaganap pa rin sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkamit na ng unang medalya ang bansang Timor-Leste mula sa men's flyweight boxing ng 30th SEA Games ngayong Linggo, Disyembre 8.

Bagaman at di nagawang talunin ng pambato ng Timor-Leste na si Jose Baretto Quintas Da Sil ang pambato ng Thailand na si Ammarit Yaodam sa semi-finals, sigurado naman na ang bronze medal nito.

Ito ang kauna-unahang medalya na nakamit ng bansa mula pa ng magsimula ang SEA Games sa Pinas noong Nobyembre 30.

Bukas, Disyembre 9 isasagawa ang paggawad ng medalya kay Quintas Da Sil.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang maraming Pinoy ang sumusuporta rin sa Timor Leste na matagal-tagal na ring naghihintay na magkaroon sila ng medalya mula sa 30th SEA Games. Una na itong naibahagi ng KAMI.

Nag-viral ang post ng mga Pinoy na nagpapalakas ng loob ng naturang bansa dahil nararapat lamang daw na may maiuwing medalya ang mga delegado ng Timor Leste.

Laking pasalamat naman ng head of delegations ng Timor Leste na si NOC Vice President Vicente Carvalho da Silva sa kabutihan ng mga Pilipino na walang humpay ang suporta sa kanila.

Tiyak na nakikisaya rin ang mga Pinoy sa unang medalya na ito ng naturang bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica