Pamamato at paninigaw ng 1 babaeng customer sa 1 sales assistant, viral

Pamamato at paninigaw ng 1 babaeng customer sa 1 sales assistant, viral

-Viral ngayon sa social media ang pamamato at paninigaw ng isang babaeng customer sa isang sales assistant

-Mabilis na kumalat ang video sa social media at umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

-Hindi naman malinaw ang kung saan nagsimula ang gulo sa pagitan ng dalawa

-Ngunit halata ang sobrang emosyon sa ipinakita ng customer na kasama pa ang kanyang asawa at anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Viral ngayon sa social media ang pamamato at paninigaw ng isang babaeng customer sa isang sales assistant sa isang mall sa Cebu.

Sa video na ni-reupload ng Facebook page na Zekegab Tv, makikita pa ang aktwal na pagbato ng customer sa sales assistant na nasapol nito sa mukha.

Halata naman na nasaktan ito dahil kita rin nang mapahawak ito sa mukha at mapayuko ng bahagya.

Habang patuloy naman sa pagwawala ang babaeng customer na karga pa ang kanyang anak.

Ngunit muling naulit ang pamamato nito. Sa puntong ito, hindi na nakapagpigil pa ang sales assistant at akmang lalapitan na ang customer.

Mabuti na lamang at may ilang tao roon ang umawat na sa dalawa.

Maya-maya pa ay may dumating ng security guard para awatin ang nagwawalang customer.

Pero tila ayaw paawat nito sa pagwawala.

Hindi naman malinaw ang dahilan ng gulo sa pagitan ng mga ito at kung saan nagsimula ito.

Samantala, umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

"Pag bagong panganak kita naman maliit pa baby niya masyado sensitive di maiwasan post partum.. kahit anung hinahon ipayo sakanila uncontrollable kasi pag umatake yun kung sakali un ang nangyare sakanya."

"Pero dapat dinala ng guard sa security or admin office para makunan ng statement. Paano mag rereklamo kung hindi mo nakuha Yun pangalan."

"pinanghahawakan kasi nila ung Kasabihan na "Customer is Always right"."

"Pagkatapos sampalin tinapunan pa ng bagay...tama ba yon???maling mali naman ang inasta ng costumer...yong mister niya hindi man lang din sinabihan asawa niya."

"We don't know the whole story yes but still you don't have the right to physically abuse the man..may mga sales lady at sales man din Kasi na nakasimangot at parang wala sa modo sumagot..but this still not right.. she's making a scene na siya lng din masisira.."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel