Pinoy surfer sumagip sa katunggali, nagkamit na ng gold medal

Pinoy surfer sumagip sa katunggali, nagkamit na ng gold medal

- Nagkamit na ng ginto ang Pinoy surfer na si Roger Casugay matapos niyang umabante sa longboard open finals

- Sa rematch ng preliminaries, tinalo niya ang katunggaling Indonesian na kantang sinagip noong Disyembre 6

- Umani ng papuri si Roger sa pagliligtas niya sa nalulunod na noon na katunggali kapalit ng sana'y gintong medalya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasungkit na ng Pinoy surfer na si Roger Casugay ang gintong medalya matapos niyang umabante sa finals ng longboard open.

Matatandaang si Roger ang hinangaang Pinoy dahil sa pagsagip niya sa katunggaling Indonesian na nalulunod na habang isinasagawa ang 3rd round ng kompetisyon noong Disyembre 6.

Ayon sa CNN Philippines, nagkaroon ng rematch sina Casugay ay Indonesian na kanyang sinagip na Arit Nurhidayat.

Nanalo ang ating pambato sa rematch na ito dahilan para umabante siya sa finals na ginanap sa Kahuna beach sa San Juan, La Union.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapwa Pinoy ang kanyang tinalo na nakilalang si Rogelio Esquivel at masasabing halos dikit ang laban sa puntos na 14.50 laban sa 14.20.

Umani ng papuri si Casugay dahil mas pinili niyang sagipin noon ang pambato ng Indonesia na nakita niyang nalulunod na.

Tinaguriang "Hero surfer of the 30th SEA Games" si Casugay dahil isinantabi niya ang gintong medalya para maisalba ang buhay ng kanyang katunggali.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel