Mag-asawa, nasira ang pagsasama ng dahil sa online game

Mag-asawa, nasira ang pagsasama ng dahil sa online game

- Isang misis ang humagulgol sa pag-iyak dahil sa labis na hinagpis sa problema niya sa kanyang mister

- Ayon kay misis, adik daw si mister sa paglalaro ng DOTA na naging mitsa ng kanilang pagsasama

- Si misis pa raw ang kumakayod kahit may sakit dahil sa walang maibigay ang kanyang mister

- Humarap din ang ina ni mister upang depensahan ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inireklamo ng isang misis na si Nanny Delos Reyes ang kanyang mister na si John Delos Reyes dahil sa labis na paglalaro nito ng online game na DOTA na naging dahilan ng pagkasira ng kanilang pagsasama.

Sa sobrang hinagpis ni misis ay nalaman ng KAMI na dumulog na ito sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action para humingi ng tulong.

Ayon sa kuwento ni misis, tulog ang kanyang mister sa umaga dahil buong magdamag ay nakababad ito sa paglalaro ng DOTA.

Ang masaklap pa nito ay tila kinukunsinti pa umano ng ina ni John ang kanyang paglalaro. Bilang depensa pa ng ina ay nang magkakilala silang dalawa ay naglalaro na raw talaga ng DOTA ang kanyang anak.

Watch the video below:

Maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanyang opinyon sa kanilang kuwento.

"Lesson learned :wag mag aasawa ng BONDYING."
"Ako lang ba naiinis sa reaction ng nanay ni bonjing? In da pers place dpat d sya nki2 saw2 sa usapang mag asawa."
"Bonjing of the year kunsintedorang byenan nakuuu"
"Napaka matured ni misis kabaliktaran nman ni mister hiwalayan mo na ate yan para kng nag aalaga ng bata na adik sa gadgets ..."
"wow...di dapat nagaasawa ang mga ganyang klase ng lalaki..asawahin mo ung computer mo.."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As reported earlier by KAMI, a video of a newlywed couple has recently gone viral on social media. In the video, the couple could be seen feeding each other a piece of their wedding cake. However, the groom slapped the bride before she could even feed him, much to the surprise of the guests.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel