"Sweet moment" nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, nagpakilig sa mga netizens

"Sweet moment" nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, nagpakilig sa mga netizens

- Kinilig ang mga fans ng tambalang AshMatt matapos ibahagi ang isang video clip sa social media

- Makikitang kumakanta si Sarah Geronimo na nakaupo sa tabi ng mapapangasawang si Matteo Guidicelli

- Bukod sa ganda ng boses ng Popstar, kinakiligan din ng netizens ang pagiging sweet ng dalawa

- Marami ang nakapansin kung gaano ka-clingy si Matteo sa babaeng kanyang nakatakdang pakasalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

#KiligOverload ang mga tagahanga ng magkasintahang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. ito ay matapos lumabas ang video ng dalawa.

Marami ang pumuri sa ganda ng boses ni Sarah. Hindi rin nakaligtas sa mata ng madlang people ang pagiging sweet at clingy ni Matteo sa kanyang kasintahan.

Makikitang kumakanta si Sarah ng awiting "Out of Reach" habang ang kanyang proud na husband-to-be ay nakayakap sa kanya.

Kamakailan ay namataan din ang dalawa sa kasal ng pinsan ni Sarah.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sarah maid of honor kapatid ni Matteo na kinasal kamakailan lang.

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa kanilang engagement nang ibahagi ni Matteo ang ilang litrato nila sa social media nitong Nobyembre.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Si Matteo Guidicelli o Gianmatteo Fernan Guidicelli sa totoong buhay ay isang Filipino-Italian actor, model, karting driver, triathlete at singer.

Naiulat din ng KAMI ang tungkol sa mga viral na throwback picture ng dating handler ni Matteo Guidicelli kung saan sinabi ng aktor ang tungkol sa kanyang pag-iipon para sa singsing na ibibigay kay Sarah Geronimo.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel