Bongga! National costume ni Gazini Ganados sa Miss Universe 2019, umani ng papuri

Bongga! National costume ni Gazini Ganados sa Miss Universe 2019, umani ng papuri

- Muling naging usap-usapan si Gazini Ganados sa kanyang Philippine Eagle-inspired gown sa National Costume category ng Miss Universe 2019 Preliminaries

- Isinuot niya ang isang obrang nilikha ng Pinoy designer na si Cary Santiago

- Ang kanyang gown na silver Philippine Eagle-inspired ay agaw-pansin sa Preliminary competition

- Isang headpiece at life-sized Philippine Eagles ang nakadisenyo sa balikat ni Gazini

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadya nga namang agaw-pansin ang pambato ng Pinas sa Miss Universe 2019 sa katatapos lang na Preliminary competition. Isinuot ni Gazini Ganados ang isang gown na likha ng designer na si Cary Santiago.

Para sa National Costume category, isang silver Philippine Eagle-inspired gown ang sinuot ni Gazini.

May pakpak pa ang nasabing gown. Hindi pa man natatapos ang paligsahan, marami ang nagpahayag ng suporta kay Gazini na makikipagtagisan ng galing sa mga beauty queens mula sa iba-ibang panig mundo.

Inilarawan din ng designer ang nasabing gown. "The design is not as flamboyant but the details are very intricate," aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, narito ang reaksiyon ng ilang netizens sa national costume ni Gazini.

This national costume is better executed than Catriona’s last year. Maganda yung concept ng costume ni Cat pero hindi niya nagamit ng mabuti kasi mabigat at meron rin technichal problems yung pag ilaw nung back part, buti na lang malakas talaga dating ni Cat.
At least itong costume ni Gazini it shows the majestic Philippine Eagle, at maganda rin ang pagdala niya. Good Luck Gazini! Good luck Philippines!!!
Napaka intricate! Ang linis ng pagka gawa, walang chismis! Napaka head turner ng costume!
Love it.Dinala niya with class and confidence
Mulawin teh na ice queen
golden phoenix tapos...silver swan? char!
dislike! siguro gaganda kung nilagyan ng kulay ng philippine eagle o ng pinas. ang bland tignan national costume pa naman.
Sarimanok na lang sana, mas colorful pa. Hindi appealing sa mata yung kulay. Tama ang iba, bland.

Ang Miss Universe 2019 coronation night ay magaganap ngayong Lunes, December 9, sa ganap na alas 8:00 ng umaga. Ipinanganganak si Ganados sa Dapitan City, Zamboanga del Norte. Isang Pinay ang kanyang ina at Palestinian naman ang kanyang ama. Hindi pa nakita ng personal ni Ganados ang kanyang ama. Lumaki siya sa kanyang lolo at lola.

Nauna nang naiulat ng KAMI ang tungkol sa naging performance ni Gazini sa preliminary round ng Miss Universe 2019.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel