Angel Locsin, muling nagbigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Northern Samar

Angel Locsin, muling nagbigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Northern Samar

- Agad na nagtungo si Angel Losin sa Northern Samar upang magbigay ng kanyang tulong sa mga nasalanta

- Kwento ng provincial disaster risk reduction management officer ng Northern Samar, may nakapagsabi sa kanya na isang grupo ang nais magpaabot ng tulong sa mga biktima

- Huli na ng malaman ng DRRM officer ng nasabing lugar na kasama si Angel Locsin sa nasabing grupo

- Nakumpirma din na namili ang aktres ng kanyang donasyon sa Catarman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binisita at inabutan ng tulong ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ang ibang kababayan natin sa Northern Samar na biktima ng pamiminsala ng bagyong Tisoy.

Ayon sa ulat ng Inquirer.net, binahagi ni Rei Josiah Echano, provincial disaster risk reduction management officer ng Northern Samar, na may nagsabi lamang sa kanya na may isang grupo na nais tumulong.

Gayunpaman, hindi na nagpakilala ang aktres. Kaya ikinagulat ni Echano na kasama pala siya sa maghahandog ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“I told them that I could provide them trucks for their relief operation. Had I known that it was Angel Locsin’s group, I could have done more” aniya ng DRRM officer.

Nakumpirma din na namili ang aktres ng kanyang donasyon sa Catarman.

Pumunta si Angel sa mga kalapit na bayan na naapektuhan ng din ng bagyo.

Dumating ang aktres sa Catarman airport noong Sabado ng umaga at bumalik na rin siya sa Maynila kinahapunan.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Engaged na siya ngayon sa film producer na si Neil Arce.

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

Sa naunang ulat, ginawaran ng pagkilala ng Forbes si Angel dahil sa pagiging matulungin nito sa kababayan lalo na sa mga oras ng kalamidad.

POPULAR: Read more about Angel Locsin here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel