Vice Ganda, sumakay pa ng chopper para makapaghatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

Vice Ganda, sumakay pa ng chopper para makapaghatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

- Isa si Vice Ganda sa mga artistang naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Tisoy

- Tumungo siya sa Oriental Mindoro para personal na maghatid ng tulong sa mga nasalanta

- Kinailangang pang sumakay ng chopper ang TV host para lang maiabot ang kanyang tulong

- Gayunpaman, napansin ni Vice ang pagiging positibo ng pananaw ng mga tao kahit nawalan sila ng tirahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pagnanais na maihatid ng personal ang kanyang tulong, sumakay si Vice Ganda ng chopper papuntang Oriental Mindoro nitong Biyernes. Maraming tahanan ang napinsala. Kahit ang bubong ng kanilang elementary school ay nasira din.

Ito ang iniwang pinsala ng bagyong Tisoy na nanalanta sa ilang lalalawigan sa bansa. Ang pinuntahang lugar ni Vice Ganda ay isa sa pinaka apektado ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Gyunpaman, nanatiling positibo ang mga residenteng nasalanta. Ayon pa kay Vice, sa kanilang mga ngiti, hindi mo aakalaing nawalan sila ng tirahan.

Ibinahagi ng TV host ang ilan sa mga litratong kuha sa kaniyang pagbisita sa Oriental Mindoro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sa simpleng ngiti gagaan ang lahat. Kakayanin natin ang lahat hangga't kaya nating ngumiti. 'Di alintana sa mga mukha ng mga taga Pinamalayan, Mindoro ang bagyo ng kahapon."

"Kaya nilang ngumiti. Kayang kaya mo din," aniya sa caption ng kanyang mga litrato.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Ang kanyang pelikulang The Mall, The Merrier kasama si Anne Curtis ang kanilang opisyal na entry para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Sa naunang ulat, inihayag ni Vice Ganda ang kanyang paghanga sa pagkakaibigan nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

POPULAR: Read more about Vice Ganda here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel