Lola ng isang sikat na YouTuber, emosyonal na ibinahagi ang kanyang paghihirap

Lola ng isang sikat na YouTuber, emosyonal na ibinahagi ang kanyang paghihirap

- Trending kamakailan ang video ng isang YouTuber na tumulong sa isang PWD na matandang babae

- Umabot na sa mahigit 1 Million views ang dalawang magkakasunod na video kung saan kinapanayam ng YouTuber na si Jose Hallorina ang isang matanda

- Ayon sa matandang nagpakilala bilang siLola Josie, isang sikat na YouTuber ang kanyang apo

- Gayunpaman, hindi nito binanggit ang pagkakakilanlan ng kanyang apo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang napataas ng kilay sa isang YouTube video ng isang YouTuber na kinilalang si Jose Hallorina. Isang matandang naka-wheelchair ang kaniyang namataan at kinausap.

Ayon sa matanda, inborn siyang hindi nakakalakad dahil sa cerebral palsy. Wala na daw sumusuporta sa kanya matapos pumanaw ng kanyang asawa.

Ayon pa sa kanya, ikinakahiya siya ng kanyang kapatid. Hiling ni lola, sana ay mabigyan siya ng puhunan at isang munting tirahan kung saan kahit papaano ay makakapagpahinga siya ng komportable.

Pinakita din ni lola ang kanyang kalagayn kapag natutulog.

Humakot ng mahigit 1 million views ang YouTube video na pinamagatang "Lola ng sikat na YouTuber, namamalimos."

Ang pangalawang bahagi ng kanyang pagtulong kay nanay ay ibinahagi ni Hallorina ang pinamiling paninda para sa matanda.

Ito ay para makaipon umano ang matanda at makaipon ng para sa kanyang bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang ulat, umalma si Donnalyn Bartolome matapos madawit ang pangalan dahil sa ibinahaging video ni Hallorina.

Sinagot din ito ni Hallorina. Buwelta niya, wala naman siyang binanggit na pangalan at wala din siyang natanggap na mensahe mula sa panig ni Bartolome. Ibinahagi din ni Hallorina ang diumano'y message ni Donnalyn sa lola nito matapos mag trending ang interview sa matanda.

Nakilala ang YouTiber na si Jose Hallorina sa kanyang video na nagpapakita ng mga social experiments at pagtulong sa iba't-ibang tao.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel