Vico Sotto, itinangging ininsulto ang ama sa pagpuri niya sa mga solo parents

Vico Sotto, itinangging ininsulto ang ama sa pagpuri niya sa mga solo parents

- Pinuri ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga solo parents na patuloy na kinakayang itaguyod ang kanilang mga anak

- Kaya naman nagpahayag siya ng pagnanais na makatulong sa mga solo parents sa kanyang nasasakupan

- Ayon pa sa millennial mayor, kasalukuyang bubumubuo ang lokal na pamahalaan ng isang ordinansa para sa mga solo parents

- Inalmahan naman ni Vico ang pagbibigay kulay ng ilang netizens sa kaniyang salita at itinangging pasaring iyon sa kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanyang saloobin tungkol sa mga solo parents. Ayon sa kanya, bilang isang produkto ng solo parent home, alam niya ang sakripisyo at hirap kaya nais niyang matulungan ang mga ito.

“Bilang produkto ng isang solo parent home, gusto ko rin tulungan ang mga solo parents natin. Masaya ang mga solo parents natin kagabi!,” saad niya sa isang tweet at sinabing kasalukuyan pang pinag-aaralan ang ordinansang makaktulong sa mga solo parents.

Binigyan naman ng ibang kahulugan ng isang netizen ang pahayag na ito ni Vico at sinabing tila insulto iyon sa kanyang ama na si Vic Sotto.

Inalmahan ito ng anak ni Bossing sa batikang aktres na si Coney Reyes.

Vico Sotto, itinangging ininsulto ang ama sa pagpuri niya sa mga solo parents

Vico Sotto, itinangging ininsulto ang ama sa pagpuri niya sa mga solo parents
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang saloobin ng mga netizens tungkol sa isyung ito:

Lakas din kasi gumawa ng issue ang mga netizens.

Korek. Connie always said na Vic is a good father, though he couldn't be around as much as he wanted.

Solo parent home nga di ba. hay naku mga netizen, bibilis mag type pero hihina ng ulo.

Haha kaya di nakakapag taka na lowest ang pinas worldwide sa reading and comprehension

True. Yung biglang may issue napala sa sinabi mo kasi iba pala pag intindi ng iba o minsan hindi talaga naintindihan. Matatawa ka nlang.

Well, it means that his parents failed diba.

Gusto ko talagang sumagot to si Vico. Straight shooter at walang madaming palabok.

And so what if he’s praising his mom even not in a subtle way? He’s always been grateful of his mom. All his accomplishments lagi nya dinidikit name ng mom and why is it a bad thing???

Samatala, sa naunang ulat, hindi pinalampas ni Vico ang isang netizen na nangbatikos sa kanya matapos luabas ang litrato niya kasama si Gretchen Ho na nanonood ng SEA Games.

Si Victor Ma. Regis "Vico" Nubla Sotto ay ang kasalukuyang Mayor ng lungsod ng Pasig. Una siyang tumakbo noong 2016 bilang counsilor sa nasabing lungsod. Nanalo siya at naglingkod ng isang termino bilang counsilor bago tumakbo bilang Mayor.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel