Miss Universe 2019 "Unity Crown," nagkakahalaga ng mahigit ₱250 M

Miss Universe 2019 "Unity Crown," nagkakahalaga ng mahigit ₱250 M

- Ipinasilip ng Miss Universe Organization ang bagong korona na ipapasa ni reigning 2018 Miss Universe na si Catriona Gray

- Tadtad ng mahigit kumulang na 1000 piraso ng mamahalin diamond ang bagong Miss Universe crown

- Tumataginting na 5 million US dollars o katumbas ng ₱250 Million ang halaga ng bagong koronang tinawag na “Unity Crown”

- Ang korona ay ginawa ng Mouwad, isang Dubai based jewelry company

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinasilip ng Miss Universe Organization ang bagong korona na ipapasa ni reigning 2018 Miss Universe na si Catriona Gray. Tinawag ang korona bilang “Unity Crown." Pagiging isa ng mga kababaihan sa kabila ng pagkakaiba sa kulay, lahi, kultura at paniniwala ang inspirasyon ng bagong korona na gawa ng Dubai-based jewelry company na Mouwad.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nagkakahalaga ang korona ng 5 million US dollars o 253,900,000 Pesos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, narito ang rekasiyon ng ilang netizens sa bagong korona ng Miss Universe Pageant.

Nice! Looks vintage and elegant.

Maganda term mo vintage. Ako parang luma. Pang matanda.

It's classic. Parang nasa golden age of pageants.

Dun pa rin ako sa kinagisnan kong isinuot kay Gloria Diaz at Margarita Moran, yung may babae sa gitna.

Wow!!! Very queenly.

Mouwad pala ang crown designer nila like some VS fantasy bras. Magaling talaga ang team ng Mowad Jewelry.

Elegant.At balita ko sobrang mahal nasa P250 m

Bagay na bagay kay Gazini

I dont think mananalo si Gazini. Huwag ka umasa. ano yan sa 5 yrs 3 crowns atin from img? I dont think so. Hindi malakas si Gazini sa ibang lahi.

Nakatakdang makipagtagisan ng galing ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados sa 68th edition ng Miss Universe beauty pageant. Ito ay gaganapin sa Atlanta, Georgia USA ngayong December 9.

Sa naunang ulat, umani ng reaksiyon mula sa netizens ang advocacy video ni Gazini Ganados.

Ang Miss Universe ay isang international beauty pageant na ginaganap kada taon. Ito ay hawak ng United States-based Miss Universe Organization at pagmamay-ari ng the WME/IMG talent agency.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel