Vhong Navarro, pinasalamatan ang asawa sa pagtanggap sa kanya

Vhong Navarro, pinasalamatan ang asawa sa pagtanggap sa kanya

- Isang linggo matapos ang kasal ni Vhong navarro sa kanyang long-time partner na si Tanya Bautista, muling nagbalik sa pagho-host si Vhong

- Binati siya ng kanyang kasamahan sa panibagong yugto ng kanyang buhay kasama ang asawang naging karelasyon niya ng mahigit sampung taon

- Napanatiling pribado nina Vhong at Tanya ang kanilang relasyon sa kabila ng kasikatan ng TV host at isa namang resident writer si Tanya

- Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Vhong ang kanyang asawa sa pagtanggap sa kanya sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa muling pagbabalik-It's Showtime ni Vhong Navarro matapos ang kanyang kasal na ginanap sa Kyoto, Japan noong November 28, isang madamdaming mensahe ang binigay nito sa kanyang asawang si Tanya Bautista.

Isang wedding-themed number ang kanyang inihandog bilang opening number ng noontime show.

Binati naman siya ng kanyang kasamahan at co-hosts sa kanyang pagbabalik.

Nang matanong kung ano ang kanyang mensahe para sa kanyang asawa, narito ang kanyang tugon: “Mahal, salamat. Tanya, maraming salamat sa pagtanggap at pag-stay sa akin sa maraming pinagdaanan natin sa buhay.”

“Isa sa wish ni Daddy, noong nabubuhay pa, ikaw ang makasama ko habang buhay, at natupad natin ‘yon,” dagdag pa ng TV host.

Matatandaang nasangkot sa isang kontrobersiya si Vhong noong 2014 kung saan hinarap niya sa korte ang businessman na si Cedric Lee and model Deniece Cornejo.

The exception was in 2014, when Navarro figured in a controversy that led to court battles with businessman Cedric Lee at modelong si Deniece Cornejo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinasalamatan din niya ang pamilya ni Tanya sa pagtanggap sa kanya, “Sa family mo, salamat din po dahil hindi niyo ‘ko iniwan. Sa family ko, salamat din dahil tinanggap niyo kami nang buong-buo ni Tanya. Mahal, ikaw na, habang buhay. I love you.”

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers at Agent X44.

Sa naunang ulat, dinaluhan ng ilan sa mga pinakasikat at hinahangaang artista ang kasal nina Vhong at Tanya.

POPULAR: Read more about Vhong Navarro here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel