Actual footage ng pagsagip ni Roger Casugay sa katunggali, kinamangha ng netizens

Actual footage ng pagsagip ni Roger Casugay sa katunggali, kinamangha ng netizens

- Kinabiliban ngayon ang pambato ng Pinas sa kasalukuyang ginaganap ng South East Asian Games sa larangan ng surfing

- Mas pinili ni Roger Casugay na sagipin ang katunggaling surfer na taga Indonesia matapos malagay sa alanganin ang buhay nito sa gitna ng kompetisyon

- Napag-alaman ni Casugay na naputol ang leash kaya humiwalay ang surf board sa paa ng Indonesian surfer

- Pinasakay ng manlalarong Pinoy ang katunggali sa kanyang board at ligtas silang dalawa nakabalik sa dalampasigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging laman ng balita ang pambato ng Pinas sa kasalukuyang ginaganap ng South East Asian Games sa larangan ng surfing. Ito ay matapos sagipin ng surfer na si Roger Casugay ang kanyang katunggaling Indonesian.

Naputol diumano ang leash kaya humiwalay ang surf board sa paa ng Indonesian surfer. Kahit abot-kamay niya na ang tagumpay, mas pinili ni Casugay na sagipin ang katunggali matapos malagay sa alanganin ang buhay nito sa gitna ng kompetisyon.

Ayon pa sa ulat ng Abs-Cbn News, hindi na tinapos ni Roger ang kanyang tricks show sa long board competition at hinabol ang lumulutang na surfer sa gitna ng malalaking alon. Pinasakay niya ito sa kanyang board at ligtas silang dalawa nakabalik sa dalampasigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umani ng papuri ang kagitingan ni Casugay. Marami ang nagbigay pugay sa kanyang ginawa. Pinuri din siya ng kanyang coach dahil isinantabi nito ang pagkapanalo para lang masagip ang kalabang Indonesian.

Sa Facebook video na ibinahagi ng Bombo Radyo La Union, makikitang magkahawak kamay sina Casugay at ang Indonesian surfer sa gitna ng malalakas na alon.

Narito ang ilan sa reaksiyon ng netizens sa ibinahaging video sa Facebook:

He chose the permanent reward rather than the temporary. God bless you!

We proud to you Roger Casugay, Ikaw yung Filipino na hindi makasarili at may pusong mamon. Manatili kang winner sa mata ng Dios. Pagpalain ka ng may kapal.

Proud to be a Filipino! Sana all!

Tatak Filipino, so proud of you Kuya!

Ayos! Hindi man ginto nakuha mo kundi higit pa sa kumikinang na kabayanihan. We are proud of you kabayan!

Ang Southeast Asian Games 2019 o 30th Southeast Asian Games ay kasalukuyang ginaganap sa Pilipinas. Ito ay isang sport event na ginaganap kada dalawang taon na nilalahukan ng mga bansang bumubuo sa Timog Silangang Asya. Magtatagal ang Sea Games hanggang ika-11 ng Disyembre matapos itong pormal na nagbukas nitong ika-30 ng Nobyembre.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel