Mayor Isko Moreno, "natolongges" ni alyas Spiderman

Mayor Isko Moreno, "natolongges" ni alyas Spiderman

- Iniharap muli kay Mayor Isko Moreno ang lalaking dati nang nagviral matapos mavideo-han habang nakasabit sa isang jeep

- Pero kung noon ay tila ito naging "hero", ngayon ay iniharap ito kay Yorme bilang isang kriminal

- Matapos lamang kasi ang ilang linggo nang magviral ito ay natiklo naman ito dahil sa pang-i-snatch

- Inamin naman ng suspek ang nagawang kasalanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang linggo lamang ang nakakaraan nang ibida ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang lalaking si Jomar Alingod bilang "hero".

Ngunit muli itong iniharap kay Mayor Domagoso matapos itong mahuli na nag-i-snatch sa Maynila.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nahuli si Alingod sa Taft Avenue base sa pahayag ni Mayor Isko.

"Ito, noong isang linggo bida. Itong hudyo na 'to, pumasok pa sa opisina ko. Talipandas din pala, ani Moreno.

"Gusto ko malaman niyo, ito pala holdaper din. Snatcher din. Hindi pa nagbago. Kinilala na nga ng mayor. Kinamayan ko pa!"

Matatandaang nagviral si Alingod matapos itong makuhanan ng video habang nakasabit sa isang jeep, na una nang naibalita ng KAMI.

Marami talaga ang nag-akala na nanghahablot at nagnanakaw ang suspek noon matapos mabilis na kumalat ang nasabing video.

Ngunit iginiit nito na tinulungan lamang niya ang kaibigan dahil hinipuan ng driver ng taxi ang misis nito.

Sumakay sa jeep ang taxi driver kung kaya naman hinabol nila ito at doon ginantihan.

Inamin naman ng driver ang kasalanan at nakipag-areglo na lamang. Nagkaayos din ang dalawang panig.

Samantala, inamin naman ni Alingod ang pagnanakaw na ayon dito ay dati pa nitong ginagawa.

Sabi pa nito, nasa walo na raw ang kanyang nabiktima.

"Hindi lang kayo ang natolongges, pati ako," sabi naman ni Mayor Isko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel