SB muna bago "I do": Video ng bride na nakuha pang "mag-Starbucks", kinagiliwan ng netizens

SB muna bago "I do": Video ng bride na nakuha pang "mag-Starbucks", kinagiliwan ng netizens

- Marami ang natuwa sa video ng isang bride na nagawa pa umanong mag-Starbucks bago raw ito ikasal

- Suot ang kanyang wedding gown, ang bride mismo ang bumili ng kape para sa kanya at sa mga kasama

- Kapansin-pansin sa video ang pagkamangha ng mga tao sa paligid na nakatingin lamang at tila di makapaniwala sa ginagawa ng bride

- Ang wedding organizer nito ang nagbahagi ng video at maging siya ay namangha sa kakaibang trip ng bride na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang nakakatuwang video ng isang bride na nakuha pa umanong mag-kape bago ang kanyang kasal.

Binahagi ng wedding organizer na si Nico de Luna ang nakakamanghang video kung saan ang bride mismo ang nasa counter ng Starbucks Tagaytay upang bumili ng kape.

Tinagurian niyang "The Starbucks Bride" ang kanyang kliyente na makikita sa hashtag ng naturang post.

Kwento pa ni Nico, ang bride na nakilalang si Marielle Canta Capuno-Judavar ang "pinaka-chill" na kliyenteng kanyang nahawakan. Ito lamang daw kasi ang nakaisip na magkape muna bago harapin sa altar ang lalaking makakasama niya habang buhay.

Cool na cool ang bride na suot na ang kanyang wedding gown habang umoorder ng kape para na rin sa kanyang mga kasama.

Mapapansin ding namamangha ang mga tao sa paligid na nakatingin lamang at tila di makapaniwala sa ginagawa ng bride.

Maging ang mga netizens ay natuwa sa napanood dahil ito lamang daw ang bride na nakita nilang nakagawa ng ganito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

" Baka pwede jan nadin po yung ceremony para chill"
"SB is life"
"Wow ang ganda nmn nya.. Nice"
"Congratulations to one of the coolest brides"
"Lakas trip ng bride na to, astig!"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel