Poor man's fish no more! Galunggong, pumalo na sa P360/kilo -Sen. Imee

Poor man's fish no more! Galunggong, pumalo na sa P360/kilo -Sen. Imee

- Hindi na raw pang-mahirap ang galunggong matapos pumalo sa P360 kada kilo ang presyo nito sa merkado

- Ito ay ayon mismo kay Senator Imee Marcos, chairman ng Senate economic affairs committee

- Mas mataas na nga ito sa presyo ng karne ng baboy, manok at kahit pa ng baka

- Nanawagan naman ang senadora na aksyunan ito ng gobyerno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

“Ang sosyal na talaga ng GG ngayon dahil sa sobrang mahal. Hindi na siya poor man’s fish. Mas mahal pa ang GG sa presyo ng manok, baboy at baka."

Ito ang naging pahayag ni Senator Imee Marcos, Senate economic affairs committee, sa napakataas na presyo ng galunggong ngayon sa mga pangunahing palengke sa Maynila.

Ayon sa tanggapan ng senadora, pumalo na sa P360 kada kilo ang presyo ng paboritong ulam ng mga Pinoy, base sa ulat ng Radyo Inquirer at TNT Abante.

Sa Mega Q mart dating naglalaro lamang sa P150 hanggang P160 ang presyo nito.

Sa Pasig City market, pumalo sa P240 ang kilo ng galunggong mula sa dating P120 hanggang P140 per kilo.

Habang sa Muñoz Public Market, ang presyo ng GG ay nasa P260 hanggang P280 na.

Samantala, sa mga supermarket naman nasa P350 hanggang P360 kada kilo ang presyo ng GG.

Mas mataas na nga ito sa presyo ng karne ng baboy, manok at kahit ng baka.

Ayon sa ulat, maging ang iba pang mga isda sa iba’t-ibang palengke sa Metro Manila ay tumaas din ang presyo.

Katulad ng tilapia na ngayon ay nasa P120 hanggang P130 mula sa dating P90 hanggang P100 at bangus na dating P130 ang kilo ay nasa halos P200 na.

Nanawagan naman si Senator Imee sa gobyerno na gawan ito ng paraan.

“Hindi naman siguro dapat nakanganga na lang tayo sa presyuhang ito. Gawan sana ito ng paraan ng gobyerno,” anito.

Ang itinuturong dahilan sa pagtaas ng presyo ng mga isda sa Metro Manila at ilang lalawigan ay ang African Swine Fever scare.

Ngunit ayon naman ilang ulat, inaprubahan na ni Agriculture Secretary William Dar, ang pag-angkat ng 45,000 metric tons ng GG at mackerel para mapunan ang kakulangan ng supply nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel