Doc Mendez, humarap sa LTO; Atty. nito tinakpan ang camera ng 1 media outlet

Doc Mendez, humarap sa LTO; Atty. nito tinakpan ang camera ng 1 media outlet

-Humarap na sa LTO ang doktor na nagviral matapos itong masangkot sa isang road rage kamakailan

-Sa isang video, makikita naman ang abogado nito na tinakpan ang camera ng isang local media outlet

-Hindi rin nagpaunlak ng panayam ang doktor at nagmamadaling umalis mula sa opisina ng LTO

-Binatikos ng Pinoy netizens ang ginawa ng doktor matapos nitong murahin, laitin at sigawan ang mga nakaalitang motorista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humarap na sa Land Transportation Office (LTO) ang doktor na si Dr. Tomas Mendez.

Si Mendez ang lalaking nasangkot sa isang viral road rage kamakailan lang na nakuhanang minura, sinigawan at nilait ang nakaalitang mag-asawa sa daan, na una nang naibalita ng KAMI.

Hindi nagpaunlak ng panayam sa media si Mendez pero sa isang video na inilabas ng News5, makikita ang abogado ng doktor na tinakpan ang camera nito.

Nagmamadali ang mga ito na umalis sa opisina ng LTO at hindi nagbigay ng kahit na anong komento kaugnay ng viral na insidente.

Kita rin nang padabog na isinara nito ang pintuan ng sasakyan nito at humarurot paalis.

Una nang naiulat ng KAMI nang maglabas ng statement ang DOTr kaugnay nito at sinabing ipapatawag nga si Mendez ng LTO para hingan ng pahayag.

Napag-alaman ng KAMI na nag-submit ng affidavit si Mendez sa LTO at isa sa umano sa mga hiling nito ay huwag daw i-revoke ang kanyang lisensya.

Matatandaang binatikos ng marami ang ginawa nito sa mag-asawang sakay ng L300 kasama ang mga anak nito.

Isa pang video ang kumalat kung saan isa pang motorista ang nakaaway din nito sa daan.

Sabi pa ng motorista, pareho lamang ang ginawa nito sa kanya at sa mag-asawa. Sinigawan, nilait at binato rin umano sila ng doktor.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, itinanggi ng St. Luke's Medical Center na konektado sa kanila si Mendez matapos kumalat ang video ng huli na nakasuot ng uniporme ng ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel