Pinay nurse, sinuwerte sa raffle sa Abu Dhabi at nanalo ng halos P167 million

Pinay nurse, sinuwerte sa raffle sa Abu Dhabi at nanalo ng halos P167 million

- Sinuwerte ang isang Pinay nurse sa Abu Dhabi dahil sa kanyang malaking napanalunan sa raffle

- Nabunot sa raffle si Annabelle Maniklan at nanalo ng 12 million dirhams o halos 167 million pesos

- Kwento ni Annabelle, kahati niya ang mga kaibigan niya sa premyong napanalunan niya

- Walong taon na si Annabelle namumuhay sa Abu Dhabi kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse sa isang government hospital doon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pinay na nurse ang sinuwerte sa Abu Dhabi nang manalo siya sa raffle draw.

Nalaman ng KAMI na 12 million dirhams o halos 167 million pesos ang napanalunan ng Pinay nurse.

Ayon sa ulat ng Philippine News, ang Pinay nurse na nanalo ay pinangalanan bilang si Annabelle Maniklan.

Nanalo ng grand prize si Annabelle sa “Big Ticket Abu Dhabi: The Dream 12 Million Series 210.”

Pinay nurse, sinuwerte sa raffle sa Abu Dhabi at nanalo ng halos P167 million

Photo from Virtual Pinoy
Source: Facebook

Kwento ni Annabelle, apat na taon na siyang sumasali sa raffle draw na iyon ngunit hindi siya pinapalad. Noong November 29, 2019 ang pinakahuling beses niyang sumali sa raffle at nabunot siya bilang winner noong December 3, 2019.

Dagdag pa ni Annabelle, kahati niya ang mga kaibigan niya sa perang napanalunan niya.

We cannot contain our happiness. I just finished the rosary when Richard called. I thank God for answering my prayer. I am in the UAE since 2011. We used to buy tickets on and off for last four years. We are friends in two groups who share money and buy ticket. One of the friends is now in the US. She left from here in July with her last contribution and we decided to put it this month. Now all of us have won,” giit ni Annabelle.

Pinay nurse, sinuwerte sa raffle sa Abu Dhabi at nanalo ng halos P167 million

Photo from Virtual Pinoy
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi ni Annabelle na mahigit walong taon na siyang namumuhay sa Abu Dhabi.

Bagamat malaki ang napanalunan, wala pa rin daw siyang balak umuwi ng Pilipinas. Patuloy pa rin daw siyang maninilbihan bilang nurse sa isang government hospital sa United Arab Emirates.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel