Quiboloy, natakot daw sa bashers kaya di napahinto si "Tisoy"

Quiboloy, natakot daw sa bashers kaya di napahinto si "Tisoy"

- Natakot daw si Pastor Apollo Quiboloy sa mga bashers kaya di niya nagawang pahintuin ang bagyong "Tisoy"

- Sa kanyang video, pinaliwanag niyang tila siya'y naguguluhan sa kagustuhan ng publiko kung gusto ba ng mga ito o ayaw na pinahihito niya ang mga kalamidad

- Isa lang ang masisiguro niya at ito ay ang patuloy na pagdarasal para sa sambayanan

- Unang gumawa ng ingay ang pastor nang sinabi nitong siya ang nakapagpahinto sa malalakas na lindol sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang naging usap-usapan si Pastor Apollo Quiboloy matapos magtaka ang publiko kung bakit di nito nagawang mapahinto ang napakalakas na bagyong "Tisoy" na tumama sa bansa kamakailan lamang.

Ayon mismo sa ginawang video clip ng pastor, baka raw magalit na naman ang publiko kung pahintuin niya ang umabot ng signal number 3 na bagyo.

Inamin din ng 69-anyos na pinuno ng Kingdom of Jesus Christ na tila nag-alinlangan siya dahil di niya rin maintindihan ang kagustuhan talaga ng mga tao.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi 'pag pina-stop mo, nagagalit. 'Pag hindi mo pina-stop, nagagalit din," pahayag ni Quiboloy..

Sa halip, ipinagdasal na lamang daw ni Quiboloy ang bansa sa panahong dumaranas ito ng matinding pagsubok dahil kay "Tisoy."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang hindi ma-stop diyan, 'yung tulong namin, sa ating mga kababayan. Kasi panata ko 'yun, sa mga maka-langit," dagdag pa ng pastor.

Unang gumawa ng ingay si Pastor Quiboloy nang sabihin niyang siya ang nagpahinto sa mapanirang lindol na makailang beses yumanig sa Mindanao nitong mga nakaraang buwan.

Samantala, ang bagyong Tisoy ang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon kung saan may naitalang 13 katao na namatay habang 34 naman ang nasugatan sa mga bansang sinalanta nito partikular na sa Luzon at Visayas.

Narito ang kabuuan na video ng pastor na binahagi ng Facebook page na 'Ito ang buhay':

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel