OFW, nawalan ng mga sasakyan at muntik nang maibenta ang bahay sa Pinas

OFW, nawalan ng mga sasakyan at muntik nang maibenta ang bahay sa Pinas

- Naagapan ng isang OFW ang tangka sanang pagbebenta ng kanyang bahay ng caretaker niya sa Pinas

- Ngunit laking gulat naman nito nang mapag-alamang naibenta na pala ng suspek ang kanyang mga sasakyan

- Sa tulong ng mga pulis ay natiklo naman ang suspek

- Nakuha mula rito ang mga pekeng dokumento na gagamitin sana nito para mabenta ang bahay ng OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na ikinagulat ng overseas Filipino worker (OFW) na si Marita Esseler nang mapag-alamang nakatakda nang ibenta ng kanyang caretaker ang kanyang bahay sa Pampanga.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sa Enero 2020 pa sana uuwi sa bansa si Esseler mula sa Estados Unidos ngunit nagmadali na itong makauwi para maisalba ang kanyang pag-aari.

Ngunit napag-alaman naman nito na naibenta na pala ng kanyang caretaker ang mga sasakyan niya.

“Ang dami ko na napadalang pera medyo ninenerbiyos na'ko. Later on, sabi ko, 'Bakit parang kulang na ang pinapadala niya sa'king mga resibo, hingi na ng hingi ng hingi ng pera,” anito.

Sa pakikipag-ugnayan ni Esseler sa mga pulis ay natiklo ang suspek sa tangka nitong pagbebenta sa bahay niya na kabibili lang niya noong isang taon.

Hindi alam ng suspek na nasa bansa na si Esseler.

“Noong natapos na yung transaction nila dun sa loob, 'yun pumasok na kami. ‘Dun na namin nakita 'yung mga pekeng documents, at the same time, 'yung marked money natin,” sabi ni Police Capt. Leopoldo Cajipe, direktor ng CIDG-Angeles City.

Nakuha mula sa suspek ang ilang pekeng dokumento tulad ng titulo ng lupa at special power of attorney na may gawa-gawang pirma ni Esseler.

Nahaharap sa mga kasong Falsification of Public Document at paglabag sa RA 9105 o Art of Forgery Act of 2001 ang suspek, ayon sa mga awtoridad.

Desidido naman si Esseler na ituloy ang kaso laban sa caretaker na kanyang pinagkatiwalaan.

Hinala ng pulisya, nalulong sa sugal ang suspek dahil may mga nakitang bingo receipts, ngunit itinanggi ito ng suspek.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel