Ang kulit! Cute na pangangaroling ng dalawang bata, patok sa netizens

Ang kulit! Cute na pangangaroling ng dalawang bata, patok sa netizens

- Bentang-benta sa mga netizens ang cute na pangangaroling ng dalawang bata sa isang viral video

- Bukod kasi sa nakakaaliw na pagkanta ng mga ito ay mali-mali rin ang lyrics ng mga ito

- Sablay man sa letra at pagkabigkas ang kanilang todong pag-awit, mas ikinatuwa pa ito ng mga netizens

- Pumatok talaga sila online at umabot na sa mahigit dalawang milyon ang views ng kwelang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bentang-benta sa mga netizens ang cute na cute na pangangaroling ng dalawang bibong bata sa isang viral video sa social media.

Bukod kasi sa nakakaaliw na pagkanta ng mga ito ay mali-mali rin ang lyrics na nabanggit ng mga ito na tila mas lalong pumatok sa netizens.

Katunayan ay umabot na rin sa mahigit dalawang milyon ang views nito sa Facebook matapos itong i-post ng page na Macvlog TV noong November 20.

Halos 70 libo na rin ang shares nito sa FB at mahigit 50K naman ang reactions.

"kakatuwang bata patko ang daan nabali ang araw."

"Make my day Pasko ang daan natuli ang araw."

"Galing, pabawasan tuloy ang stress ko. God bless."

"yun pagopen ko ng cp, ito yung nakita... natatawa ako early morning."

"Nadouble dead yung lyrics, NABALI NA ang Daan ,natuli pa ang araw."

"Dami kung tawa, nakaka good vibes God blessed you both, ang galing ng guitarista."

"Hai Ang cute cute Ni baby girl pati Ni kua gitarista...nakakatuwa panoorin hehhehe."

"PASKU ang daan bigyan na kc ng isang daan mga ninong ninang‼️ ka cute cute nila 2."

"Hahahahaha subrang dami kong tawa nakakawala talaga ng stress paskong pasko na talaga god bless mga kiddos natuli ang araw."

"Ang cute nmn ng baby girl napatawa aq kahit na masama pkiramdam q atlis napatawa aq."

"Tanggal antok ko sau bb kakatuwa ka pasko ang Daan. God bless you both."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel