13-anyos na dalagita, umaming di totoo ang post sa pagkakadukot sa kanya

13-anyos na dalagita, umaming di totoo ang post sa pagkakadukot sa kanya

- Umamin ang dalagitang nag-viral dahil sa ginawa nito sa social media kung saan sinabi niyang dinukot siya ng ilang lalaki at pinatutubos sa kanyang mga magulang

- Sinabi niyang ginawa lamang niya ito upang malaman kung may mga taong mag-aalala sa kanya o wala

- Nai-share ng ilang kaibigan ng dalagita ang post at nakarating na ito sa awtoridad

- Nagpunta sa simbahan ang dalagita at nagpalipas ng gabi sa isang kaibigan

- Maaaring dumaan sa counselling ang dalagita dahil sa nagawa niyang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang dalagita na tinago na lamang sa pangalang "Sarah" ang umaming walang katotohanan ang kanyang viral post kung saan pinalabas niyang siya ay na-kidnap.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, kasama ng 13-anyos na dalagita ang kanyang mga magulang sa pulisya upang aminin nito ang kanyang nagawang pagkakamali.

Gawa-gawa lamang daw niya ang pagdukot umano sa kanya at nagawa lamang niya ito upang malaman kung mayroong mag-aalala sa kanya o wala.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang nagpunta ang dalagita sa simbahan para nga naman wala siya sa bahay nila habang ginagawa ang trending na post at kalaunan ay nakitulog na lamang sa kanyang kaibigan.

Nai-share ng kanyang mga kaibigan ang post na ito ni Sarah. Di nagtagal, nakarating na ito sa awtoridad na naalarma sa nakasaad sa post.

Dala rin ng takot, at dahil walang ideya ang ina na gawa-gawa lang ito ng anak, pina-blotter na niya ito.

Pinakita ng ina ang bawat palitan ng text na inakalang totoong kidnaper na ang kausap.

Samantala, dahil sa pangyayaring ito, maaring sumailalim ito sa counselling.

Paalala ng pulisya, maging maingat sa mga binabahagi sa social media. Maaring di na paniwalaan ang dalagita na ito sakaling may mangyari sa kanyang di maganda.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel