Hashtag: "NoToABSCBNShutdown", nagtrending sa Twitter

Hashtag: "NoToABSCBNShutdown", nagtrending sa Twitter

- Nag-trending sa Twitter ang #NoToABSCBNShutdown matapos na ipahayag ni Pangulong Duterte ang pagharang niya na ma-renew ang prangkisa ng TV network

- Dinagsa ng suporta ang Kapamilya network at karamihan ay di raw papayag na mawala na lamang ito sa serbisyo

- Di raw kasi ang mga artista ang maapektuhan dito kundi ang mga empleyado roon na ang pangunahing ikinabubuhay ay ang trabaho nila sa ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nagtrending ang #NoToABSCBNShutdown sa Twitter. Ito ay matapos na hayagang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagharang niya na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN na mae-expire sa Marso 2020.

Dahil dito, naglabas ng suporta ang mga netizens sa Kapamilya network na naging bahagi na raw ng kanilang buhay.

Sadyang nakakalungkot daw na isipin kung matuluyan na itong mawala sa sirkulasyon.

Marami rin ang nagpahayag ng di nila pagpayag na mangyari ito dahil napakalaking impluwensiya sa kanila ng mga programa ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang ilan, inalala rin ang mga empleyado ng network na ang pangunahing pinagkakakitaan ay ang kanilang hanapbuhay sa TV station.

Samantala, ayon sa naunang ulat ng KAMI, isa sa dahilan ng pangulo ay ang pagiging bias di umano ng network lalo na noong panahong ng kampanya sa 2016 elections.

Hindi raw naisasa-ere ang campaign ads noon ng Pangulo.

Agosto ng kasalukuyang taon ng mas naging maugong ang di pagpayag ng pangulo sa renewal or franchise.

Ngunit ito naman ay binigyang linaw ng kanya mismong Presidential Spokesperson Salvador S. Panelo na kongreso pa rin ang magdedesisyon ukol sa bagay na ito alinsunod sa Republic Act No. 3846.

Narito ang ilan sa mga viral Tweet patungkol dito na mula sa The Scoop.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel