Inireklamong taxi driver, humarap na kay Tulfo ngunit kinakausap din daw ang pader

Inireklamong taxi driver, humarap na kay Tulfo ngunit kinakausap din daw ang pader

- Isang taxi driver ang inireklamo sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa paniningil nito ng sobra at di pa umano nito binigay ang ilang gamit ng kanyang nabiktima

- Bukod pa rito, may 'konduktor' daw ito na kasakay pa ng mga biktima sa taxi

- Habang kinakausap ni Tulfo ang taxi driver, natutulala ito na tila di alam ang nangyayari

- Napag-alaman pa nila na bago magsimula ang programa, ay kinakausap ng lalaki ang pader sa studio

- Bukod pa rito, tumatayo pa raw ito sa kinauupuan at nagawa pang sigawan ang co-host ni Tulfo na si Sharee habang kinakapanayam siya nito

- Duda ni Tulfo na gumagamit ang taxi driver dahil halatang lutang na lutang ito habang kinakausap niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaunlak na interview ang taxi driver na si Pablo Tan na inireklamo ng labis na paniningil at may kasama pang konduktor.

Ayon sa nagreklamong OFW na si Kristine Augmentado, umabot sa ₱2,200 ang siningil sa kanya NAIA terminal 3 hanggang Pateros.

Bukod dito, nakakaalarmang may kasama pang 'konduktor' ang taxi driver sa loob ng sasakyan.

Nakilala ang taxi driver na si Pablo Tan. Nang umalma si Kristine at kasama nito sa laki ng singil ng taxi driver at konduktor, nagawa pa umanong i-lock ang pinto ng mga taxi upang di sila makalabas.

Nalaman ng KAMI tinangay pa ng driver at kasama nito ang mga bagahe ng OFW.

Humarap na sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo ang taxi driver.

Ngunit imbis na makapagpaliwanag ito ng kanyang panig, natutulala ito at halos di makausap ng matino.

Napansin agad ito ng Tulfo at diretsahan niyang tinanong kung kailan ito huling gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nilarawan ni Tulfo na "lutang na lutang" si Pablo. Ayon pa sa staff ng programa, nagawa pa ng lalaki na kausapin ang pader bago pa itong maisalang sa 'Wanted sa Radyo'.

Tumatayo pa raw ito sa kinauupuan nito kaya naman inaawat na ito ng security.

Maging ang co-host ni Tulfo na si Sharee Roman ay nasigawan pala ng driver habang kinakapanayam niya ito off-air.

Nakapanayam din nila ang isa pang biktima nito na may halos pareho na karanasan tulad nang sa OFW.

Sa takot, ni ayaw nga raw lumapit ng host sa taxi driver dahil baka may ice pick pa itong dala.

Dahil sa pangyayaring ito, di rin daw ito palalampasin ni Tulfo at hihikayatin pang ituloy ang kaso laban sa taxi driver.

Narito ang kabuuan ng panayam sa ikatlong yugto ng programa ngayong Disyembre 5.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel