Larawan ni Pangulong Duterte na naka-tambay sa labas ng kanyang bahay sa Davao, viral

Larawan ni Pangulong Duterte na naka-tambay sa labas ng kanyang bahay sa Davao, viral

- Agaw eksena sa social media ang larawan ni Presidente Rodrigo Duterte na nakatambay sa labas ng kanyang tahanan sa Davao

- Kapansin-pansin din na tila nakikipagbiruan pa ang pangulo sa mga taong kausap niya sa labas ng kanilang bahay

- Suot ang maluwang na t-shirt at pantalon at sipit na tsinelas, nagagawa pa ring tumambay ng pangulo na parang pangkaraniwang tao pa rin

- Umani ng papuri ang larawan na ito ng pangulo dahil sa pagpapakita nito ng kababaang loob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatambay sa labas ng kanilang tahanan sa Dona Luisa village Davao.

Binahagi ng Facebook page na President Duterte Worldwide Supporters ang larawan ng pangulo at tila nakikipagbiruan pa sa mga taong kausap niya habang siya ay masarap ang upo sa may gate ng kanilang bahay.

Ayon pa sa post, ganito raw talaga ka-simple ang buhay ng pangulo lalo na kapag ito ay nasa Davao.

Nagmistulang tuorist spot daw ang tahanan na ito ng presidente dahil marami ang di halos makapaniwala na masayang naninirahan dito ang pinuno ng ating bansa.

Suot ang ang puting t-shirt, pantalon at sipit na tsinelas, masayang nakaupo ang pangulo sa harap ng tahanan na mas madalas pa rin niya talagang uwian.

Dahil dito umani ng papuri ang pangulo sa kababaang loob nito na sa kabila ng pagiging prominente ay mas pinipili pa rin nito ang simpleng buhay na kanya nang kinagawian.

Larawan ni Pangulong Duterte na naka-tambay sa labas ng kanyang bahay sa Davao, viral
source: President Duterte Worldwide Supporters/FB
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Simpleng tao, simpleng buhay, simpleng pamumuhay pero magarbo magmahal sa mga ordinaryong filipino, at magarbong pagmamahal para sa ating bansa na sinisikap nyang maging outstanding ang ating bansa sa buong mundo. We love you po tatay digong."
"Simple living lang ang ating butihing Ama ng bayan PRRD God Bless Mayor."
"Ito ang bahay n kada Dec,25 mag pila ang mga tao dahil sa mga pamaskung handog noong Mayor pa cya at gift check pa"
"Very humble president we are proud of you,your the only hope of so many pilipino people to be out of poverty....god bless you always.."
"Yan ang ama ng byan simple sa sarile pero bongga sa kanyang anak n mamayan sa hindi nkakaunawa sa kanyang pananamit at simpleng pamumuhay hindi kyo ama sa inyong mga anak dahil ang isang magulang ibibigay muna ang sa anak bago sa bumili sa kanyang sarile. Mabuhay ang ama ng pilipinas. Salamat sa kabutihan mo tatay digong."
"Iyan ang presidente, kontento lang sa simple living. Hindi corrupt."

Umabot na sa 5 libong positibong reaksyon ang post

Si Presidente Rodrigo Roa Duterte o mas kilala sa mga tawag na Digong at Rody ay ika-16 pangulo ng bansa.

Bago siya mahirang bilang pangulo ng Pilipinas, 22 taon siyang nanilbihan bilang alkalde ng Davao City sa loob ng pitong termino.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica