Negosyanteng misis ng aktor na si Matt Evans, arestado sa kasong Estafa

Negosyanteng misis ng aktor na si Matt Evans, arestado sa kasong Estafa

- Inaresto ang misis ng aktor na si Matt Evans sa kasong Estafa

- Sa bisa ng warrant of arrest hinuli ito sa Makati City kung saan isinampa ang kaso laban sa kanya

- Ito ay kaugnay ng kanyang dating negosyo kung saan nawalan din daw ito umano ng 6 milyong piso

- Bukod sa estafa, nahaharap din ito sa kasong cyberbullying sa Cebu kung saan siya naman ay nakapagpiyansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang misis ng aktor na si Matt Evans dahil sa kasong estafa na isinampa sa kanya.

Ayon sa ABS-CBN News, nadakip si Riza Katrina Evans sa bisa ng inihain na warrant of arrest sa Makati City.

Sinampahan ito ng kaso sa Makati Metropolitan Trial Court Branch 66-A kaugnay ng dati nitong negosyo.

Bukod sa estafa, may isa rin umano itong kaso ng cyberbullying na isinampa naman sa kanya sa Cebu ngunit siya naman ay agad na nakapagpiyansa.

Sinabing aabutin ng P30,000 ang maaring piyansa ni Evans sa pagkakahuli sa kanya.

Negosyanteng misis ng aktor na si Matt Evans, arestado sa kasong Estafa

source: Abante
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Evans sa kaganapang ito.

Matatandaang nito lamang Oktubre, ang misis naman ni Matt ang nagsampa ng kaso laban sa nanloko sa kanya dahil umano sa nawalan ito ng halagang P6 na milyong piso.

Ito ay mula sa kanyang negosyo ng pagbebenta ng mga designer bags sa loob ng tatlong taon.

Produkto si Matt Evans ng Pinoy Big Brother sa ABS-CBN noong 2006. Nagpatuloy ang career niya mula noon. Ang misis naman nito ay mula sa prominenteng pamilya ng mga Fariñas mula sa Ilocos Norte.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel