Meme ng viral road rage sangkot ang 1 doktor, ipinost na rin ni Chito Miranda

Meme ng viral road rage sangkot ang 1 doktor, ipinost na rin ni Chito Miranda

- Mukhang bumenta rin kay Parokya ni Edgar-vocalist Chito Miranda ang "remix version" ng viral na road rage sangkot ang isang doktor

- Sa nasabing remix, isinama ng uploader sa video ang kanta ng Parokya ni Edgar at ng Kamikazee na "Order taker"

- Mabilis na kumalat online ang nakakaaliw na video na pinag-uusapan ngayon ng mga Pinoy netizens

- Marami ang talagang napa-comment nang mismong si Chito ang nag-share nito sa kanyang social media account

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila bumenta rin kay Parokya ni Edgar-vocalist Alfonso "Chito" Miranda Jr. ang "remix version" o meme ng viral na road rage sangkot ang isang doktor.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Chito ang nasabing video kung saan isinama ang ilang clips ng video sangkot ang doktor sa kantang "Order taker" kung saan kasama nila ang isa pang OPM band na Kamikazee.

"Things you see on Facebook," ayon sa caption ni Chito.

Mabilis na kumalat ang nasabing meme matapos ang pag-usapan at gumawa ng ingay ng viral na road rage.

Mainit pa hanggang ngayon ang isyung ito kaya naman napa-comment ang mga netizens nang i-share ito ng isa sa kilala at batikang bokalista sa bansa.

"Ahahahaha! Natuwa ako dun ah."

"lodi talaga tong si sir chits."

"pucha pre idol naibuga ko yung kape ko nung napanood ko to kanina Alfonso."

"The best to."

"galing ng collab nio idol."

"Solid talaga yan sir chits. Parokya ni dok."

"CHITO!!!!!!!!! Hahahaha Grabe Tawa ko!!!"

Una nang naiulat ng KAMI nang kumalat ang viral video sangkot ang doktor na si Dr. Tomas Mendez na pinagmumura, sinigawan at nilait ang mag-asawang nakaalitan nito sa kalsada.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang St. Luke's kaugnay ng isyu matapos kumalat sa social media ang video ni Mendez na nakasuot ng uniporme ng SLMC, na naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel